05/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐: Sinimulan nang ilagay ang mga FlexMac DTโisang uri ng fast-to-deploy flood control barriers, sa bahagi ng San Simon Interchange at Tulaoc Bridge ng North Luzon Expressway (NLEX), dalawang araw matapos iutos ni Public Works Secretary Vince Dizon ang paglalagay ng karagdagang proteksyon para maibsan ang pagbaha sa mababang bahagi ng expressway na nagdulot ng perwisyo sa mga motorista noong isang linggo.
Nauna nang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang ibaโt-ibang immediate flood management measures sa probinsiya ng Pampanga at Bulacan habang tuluy-tuloy ang operasyon ng mga mobile pumps sa expressway.
Sisimulan na rin ang pagpapalalim ng Tulaoc River habang naghahanap ng mga lugar para sa itatayong water retention facility bilang pangmatagalang solusyon sa baha sa lugar.