Sangguniang Barangay ng Kay-Anlog Calamba City Laguna

Sangguniang Barangay ng Kay-Anlog Calamba City Laguna Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Barangay ng Kay-Anlog Calamba City Laguna, Public & Government Service, Nayon, Calamba.

01/09/2026

Happy birthday sa ating masipag at gwapong gwapong first 20...kua angelo Angelo Melendres , we wish u more bdays to come and good health. Maraming Salamat sa inyong palaging tapat na paglilingkod.. ☺️☺️☺️

31/08/2026

Happy b'day Diosa Estrella ang aming masipag na VAWC officer. Please stay beautiful and kind... Wish u more bdays to come.. and GOD BLESS

Makabuluhang araw na pakikisalamuha sa mga nasasakupan upang patuloy na matugunan ang pangangailangan ng ating mga kabrg...
28/08/2026

Makabuluhang araw na pakikisalamuha sa mga nasasakupan upang patuloy na matugunan ang pangangailangan ng ating mga kabrgy.
Lagi pong bukas palad na tinatanggap ng ating butihing kapitan Nathan Sean Mendoza /NEMAR MENDOZA ang bawat samahan at bawat isa sa kanyang nasasakupan upang mas maitaguyod ang bawat karapatan at programang magpapatatag sa lahat.

Pakikipag pulong sa mga officers ng ating mga PWD upang mas patatagin pa ang samahan at mas palawakin  ang mga programa ...
28/08/2026

Pakikipag pulong sa mga officers ng ating mga PWD upang mas patatagin pa ang samahan at mas palawakin ang mga programa para sa kanila na pinangunahan ng ating KONSEHALA Nancy Gagalac Mendoza na syang dating may hawak ng komite nito at kons Macoy Alcantara na sya namang kasalukuyang may hawak sa samahan. Kasama din ang ating masipag na Konsehala Marni Miranda Matamis .

Laging bukas palad at buong pusong tinatanggap ng ating Sangguniang Barangay ng Kay-Anlog sa pangunguna ng ating butihin...
28/08/2026

Laging bukas palad at buong pusong tinatanggap ng ating Sangguniang Barangay ng Kay-Anlog sa pangunguna ng ating butihing kapitan Nathan Sean Mendoza /NEMAR MENDOZA ang samahan ng mga pastor at ano mang relihiyon dito sa ating barangay upang palaganapin ang mga mabubuting salita ng ating PANGINOON. kung saan naniniwala ang ating kapitan na dapat palaging unahin ang pananampalataya sa ating PANGINOON upang magkaroon ng masiglang ispiritual ang bawat kanyang nasasakupan.

PLEASE SPREAD.  Isang paalala mula sa DEPARTMENT OF HEALTHna itinataguyod naman ng ating mga health workers sa pangungun...
28/08/2026

PLEASE SPREAD.
Isang paalala mula sa DEPARTMENT OF HEALTH
na itinataguyod naman ng ating mga health workers sa pangunguna ni MAM Donna Tanaquin AT buong pusong sinusuportahan ng ating Sangguniang Barangay ng Kay-Anlog sa pamumuno ng ating butihing kapitan Nathan Sean Mendoza /NEMAR MENDOZA.

26/08/2026

Happy birthday sa isa sa aming masipag masayahin at mabait na blk leader ate Rizalinda Nitura Villamor dalangin nmin ang marami pang kaarawan na darating sa iyong buhay at malusog na pangangatawan... We love u so much te ida.

25/08/2026

Happy bdayyy sa isa sa aming masipag at gwapong gwapong blk leader kua Edgar Oliva wish u more bdays to come and GOOD HEALTH

24/08/2026

Please share.
Magandang araw po sa ating lahat mamayang ala una po ng Hapon sisimulan na po ang pagbibigay ng stub para sa gamutan ng ating si APO JEFF THE HEALER. Ito po ay gagawin araw arAw sa ganap na alas dos ng Hapon hanggang 6 po ng Hapon, lunes hanggang huwebes.
Muli po magandang araw at maraming salamat..

Kayang kaya pag sama sama... Salamat po Kap Nathan Sean Mendoza sa iyong sipag at dedikasyon upang kahit papano ay maibs...
22/08/2026

Kayang kaya pag sama sama...
Salamat po Kap Nathan Sean Mendoza sa iyong sipag at dedikasyon upang kahit papano ay maibsan ang kawalan ng tubig ng ating mga kabrgy. Sa valley breeze phase 2.
Kasama ang ating maasahan na konsehala Nancy Gagalac Mendoza at masisipag na BFP mula Hapon hanggang gabi ay nagsagawa po tayo ng pagrarasyon ng tubig habang ang ating linya ng tubig ay inaayos pa dahil sa pagkasira ng motor nito....
Sa kasalukuyan ay inaayos na po ang motor ng ating water system na syang naging dahilan ng pagkawala ng tubig. Ginagawan na po ng paraan at minamadali na ng mangagawa ang pag aayos upang maibalik sa normal ang lahat..
Kami po ay humihingi ng pasensya at pag unawa sa pangyayaring ito. Muli po maraming salamat mga mahal naming kabrgy.

Address

Nayon
Calamba

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Kay-Anlog Calamba City Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share