14/06/2026
๐ข PAALALA SA PUBLIKO TUNGKOL SA TUPAD
Nais ipabatid ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa lahat ng mamamayan, lalo na sa mga benepisyaryo at aplikante ng TUPAD, na maging mapagmatyag laban sa mga indibidwal o grupong umanoโy naniningil ng pera kapalit ng paglahok sa mga orientation, pagpaparehistro, o iba pang kaugnay na aktibidad ng programa.
Batay sa mga ulat na kumakalat sa social media, may mga pagkakataong hinihingan umano ng bayad ang ilang kalahok upang maisama o makadalo sa mga aktibidad na may kaugnayan sa TUPAD. Kaugnay nito, mariing ipinapaalala ng DOLE na:
โ
Walang anumang bayad ang aplikasyon, pagpaparehistro, orientation, at paglahok sa TUPAD.
โ
Walang awtorisadong DOLE personnel o kinatawan ang maaaring maningil ng pera mula sa mga benepisyaryo.
โ
Ang lahat ng transaksyon at impormasyon tungkol sa programa ay dapat lamang manggaling sa opisyal na tanggapan ng DOLE, PESO, o mga awtorisadong kinatawan ng lokal na pamahalaan.
Kung may sinumang humihingi ng bayad, kontribusyon, o anumang halaga kapalit ng paglahok sa TUPAD, hinihikayat ang publiko na agad itong iulat sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE upang maisagawa ang kaukulang beripikasyon at imbestigasyon.
Patuloy na naninindigan ang DOLE para sa isang tapat, patas, at transparent na pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan upang matiyak na ang tulong ay makarating sa mga karapat-dapat na benepisyaryo nang walang anumang uri ng pananamantala.
๐ Para sa mga katanungan, beripikasyon, o sumbong, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE o tumawag sa DOLE Hotline 1349.
Mag-ingat, magtanong, at makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal na tanggapan ng DOLE para sa tamang impormasyon.