02/06/2026
BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG PROGRAM: PRESIDENTIAL SCHOLARSHIP 2026
Bilang bahagi ng implementasyon ng Bawat Barangay Makikinabang Program: Presidential Scholarship 2026, may kabuuang labing-isang (11) kwalipikadong aplikante mula sa Barangay Prinza na naisumite para sa konsiderasyon.
Dahil limang (5) scholarship slots lamang ang inilaan para sa barangay, isinagawa ang pagpili ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng raffle draw upang matiyak ang patas, bukas, at transparent na proseso para sa lahat ng kwalipikadong aplikante.
Ang raffle draw ay ginanap noong Mayo 29, 2026, sa harap ng mga aplikante at mga saksi bilang pagsunod sa mga prinsipyo ng fairness, equal opportunity, at transparency na pinangunahan ng Sangguniang Kabataan kasama ang Sangguniang Barangay ng Prinza.
Maraming salamat po!