01/09/2026
๐ง๐๐๐ก๐๐ก: ๐ฅ๐ง๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฉ-๐, ๐๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐ช๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐จ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐-๐๐๐ฌ๐ข๐ฆ ๐ก๐ ๐ ๐๐ก๐๐ ๐จ๐ ๐ช๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฅ๐๐๐๐ข๐ก ๐๐ฉ-๐ (๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ข๐ก)
Mahigit 230 representatives mula sa labor, management, employer, at domestic worker sectors ang boluntaryong nakilahok sa 2nd Public Hearing on the Proposed Minimum Wage Adjustment for the Formal Sector and Domestic Workers in Region IV-A (CALABARZON) na isinagawa ng RTWPB IV-A, sa tulong ng DOLE-Batangas, noong August 27, 2026, sa Lipa City, Batangas.
Sa isinagawang public hearing, nagkaroon ng palitan ng mga pananaw, concerns, at rekomendasyon mula sa iba't ibang sektor hinggil sa panukalang wage adjustment.
LABOR SECTOR: PANAWAGAN PARA SA LIVING WAGE
Isa sa pangunahing usaping binigyang-diin ng labor sector ang patuloy na pagbaba ng purchasing power ng mga manggagawa dahil sa inflation at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon sa isang speaker, ang current daily minimum wage sa Region IV-A na โฑ600 ay may purchasing power na tinatayang nasa โฑ444 na lamang.
Ipinakita rin ang historical comparison ng real wages. Mula sa โฑ89 na real wage noong 1989, na equivalent sa around โฑ451 in 2018 value, sinabi na ang current โฑ600 wage ay may purchasing value na around โฑ444 lamang. Para sa labor, ipinapakita nito na kahit tumataas ang nominal wage, bumababa naman ang tunay na value ng kinikita ng workers dahil sa inflation.
Binigyang-diin din ng labor sector ang malaking agwat sa pagitan ng kasalukuyang minimum wage at ng tinatayang Family Living Wage para sa pamilyang may limang miyembro, na nasa humigit-kumulang โฑ1,312 kada araw. Kaugnay nito, nanawagan ang labor groups, kabilang ang Minimum Wage Earners (MWE), para sa โฑ666 na dagdag sa arawang sahod.
Ibinahagi rin ng labor representatives ang datos mula sa Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER), kung saan sinabi na ang labor costs ay nasa humigit-kumulang 10.9% hanggang 18.7% ng kabuuang business expenses, depende sa laki at uri ng negosyo.
Ayon sa kanila, hindi lamang labor costs ang pangunahing dahilan ng mataas na operating expenses, kundi kabilang din ang kuryente, raw materials, at logistics.
Nanawagan din ang labor sector ng tripartite responsibility, kung saan mahalaga ang aktibong papel ng pamahalaan sa pagtugon sa mataas na utility costs, red tape, at mga problema sa supply chain na nakaaapekto sa parehong workers at businesses.
MANAGEMENT SECTOR: PAGBABALANSE NG SAHOD AT KAKAYAHAN NG NEGOSYO
Hiniling naman ng management representatives ang mas malalim at objective na pagsusuri ng economic data mula sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng NEDA, DTI, at PSA, upang mas malinaw na makita ang aktuwal na epekto ng wage adjustment sa iba't ibang uri ng negosyo.
Ipinaliwanag din nila na magkakaiba ang epekto ng labor costs depende sa uri at operasyon ng negosyo. Maaaring maliit ang bahagi ng labor costs sa capital-intensive companies, ngunit malaki naman ang bahagi ng salaries sa operating expenses ng labor-intensive industries, kabilang ang academic at service sectors.
Nagpahayag din ng pangamba ang employers sa posibilidad ng wage-push inflation. Kapag tumaas ang sahod, maaari ring tumaas ang operating costs ng negosyo na maaaring mauwi sa pagtaas ng presyo ng goods at services. Sa kalaunan, maaari nitong muling bawasan ang purchasing power ng mga manggagawa.
Binigyang-diin din ng management ang kahalagahan ng pangmatagalang financial planning at budgeting. Ayon sa kanila, ang mga negosyo ay karaniwang nagpaplano ng personnel costs at operations ilang taon nang maaga, at ang ilan ay may minimum na limang taong projection. Ang madalas o biglaang wage increases ay maaaring makaapekto sa kanilang financial projections at operational stability.
Bilang isang posibleng paraan upang makatulong sa workers nang hindi agad nadadagdagan nang malaki ang gastos ng mga negosyo, iminungkahi ng isang management representative na pag-aralan ng pamahalaan ang pagbibigay ng direct wage subsidy na nasa โฑ2,000 upang madagdagan ang kita ng mga manggagawa.
Habang nananawagan ang labor sector para sa sahod na makasasabay sa tunay na halaga ng pamumuhay, binigyang-diin naman ng management at employers ang kahalagahan ng business capacity, employment sustainability, inflation, at pangmatagalang economic stability.
Sa pamamagitan ng patuloy na public hearings at consultations, patuloy na kinokolekta ng RTWPB IV-A ang mga pananaw, concerns, at rekomendasyon ng iba't ibang sektor bilang bahagi ng pagsusuri at deliberasyon para sa angkop na minimum wage adjustment sa Region IV-A (CALABARZON).