08/06/2026
𝗡𝗢𝗡-𝗨𝗡𝗜𝗙𝗢𝗥𝗠𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗡𝗘𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗥𝗭𝗢𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗔𝗟𝗢 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗟𝗖 𝗙𝗢𝗨𝗡𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗡𝗖.
Bilang pagpapahalaga sa ginagampanang papel ng mga Non-Uniformed Personnel (NUP) ng Police Regional Office (PRO) Calabarzon ay nagkaloob ang Philippine National Police Officers’ Ladies Club Foundation Inc. Calabarzon ng bigas at school supplies sa mga NUPs at kanilang dependents sa Camp BGen Vicente P. Lim, Mayapa, Calamba City, Laguna ngayong Lunes, Hunyo 8.
Nasa 20 mag-aaral na dependents ng mga NUP ang tumanggap ng libreng school supplies mula sa OLC Foundation na kanilang magagamit ngayong balik-eskwela. Inaasahang madadagdagan pa ang nasabing bilang ng mga benepisyaryo sa pag-ikot sa iba’t ibang police provincial offices sa rehiyon.
Bukod dito, tumanggap din ang tatlo sa pinaka-matandang NUPs ng dagdag na regalong pinansyal mula sa PNP Police Regional Office 4A at OLC Foundation, Inc. at nagkaloob rin si Boss A, isang sikat na vlogger ng mga laptop at cash para sa kanila.
Ayon kay OLCFI 4A President Venus Reglos, aabot sa 756 sako ng bigas ang kanilang ipagkakaloob sa NUPs sa buong Calabarzon. | via COP/PIA4A