Cong. CHA Hernandez

Cong. CHA Hernandez Isang lider at lingkod bayan na nais ipagpatuloy ang tapat at malinis na paglilingkod. Cha Hernandez is serving the community in Calamba City since 2012.

She is now the Congresswoman of the lone district of Calamba City after serving for six years as City Councilor. Owing to the fact that she was born and raised in this beautiful and historic city, she brings a fresh vision and looks to the city's future from her strategic programs, policy-making, and propositions. As a Christ-follower and a progressive-minded leader, Cha Hernandez seeks to usher i

n a dynamic era of public service. Coming from the private and church sector, she intends to restore and seek public trust together with good reputation by promoting openness, accountability, and people-participation. Sheโ€™s passionate about collaborationโ€”of public sector, private establishments and corporation, and non-profit organizations. She chooses to strengthen her social work by involving on a full-time basis to different kinds of opportunities to serve the youth, the vulnerable, the sick and the poor. GOD BLESS CALAMBA CITY!

KASANGGA NIYO KAMI SA PASADA!Nakinig tayo sa mga hinaing ng mga tsuper sa kasalukuyang krisis at tiniyak natin sa kanila...
11/04/2026

KASANGGA NIYO KAMI SA PASADA!

Nakinig tayo sa mga hinaing ng mga tsuper sa kasalukuyang krisis at tiniyak natin sa kanila ang ating tulong at suporta.

Buo ang loob nating masigurong tuloy ang biyahe ng mga tsuper natin sa panahon ngayon. Bukod sa ating personal na tulong at pangangamusta, nariyan din ang ating pagsusulong ng mga karampatang batas para sa kanila sa Kongreso.

Nawaโ€™y bigyan tayo ng inspirasyon ng alaala ng mga nagdaang bayani na nagpakita ng giting at tapang para sa bayan ngayon...
09/04/2026

Nawaโ€™y bigyan tayo ng inspirasyon ng alaala ng mga nagdaang bayani na nagpakita ng giting at tapang para sa bayan ngayong Araw ng Kagitingan.

Sa krisis na hinaharap natin ngayon, ang giting ng Pilipino ang kailangan ๐Ÿซก

Binigyan tayo ng briefing ng mga ahensya ng gobyerno tungkol sa ating oil and energy supply at ang economic impact ng kr...
08/04/2026

Binigyan tayo ng briefing ng mga ahensya ng gobyerno tungkol sa ating oil and energy supply at ang economic impact ng krisis sa enerhiya.

Malaking gabay ito para malaman natin ang mga naaangkop na polisiya at batas na maaaring ipasa agad upang matugunan nang maigi ang krisis.

Sama-sama nating tatawirin ito, mga Calambeรฑo!

Emergency relief, ngayon na!Nitong nakaraang linggo naghain tayo ng resoluyon para sa agarang emergency relief para sa m...
07/04/2026

Emergency relief, ngayon na!

Nitong nakaraang linggo naghain tayo ng resoluyon para sa agarang emergency relief para sa mga vulnerableng sektor.

Nananawagan tayo sa pambansang pamahalaan na pabilisin at palawakin ang pamamahagi ng fuel vouchers, fuel subsidy, at targeted assistance para sa mga nangangailangan.

Alam nating walang patid ang pagtaas ng presyo ng gasolina, kaya naman mas lalong kailangang paigtingin ang tugon ng gobyerno sa krisis!

Ngayong Linggo ng Pagkabuhay, nawaโ€™y mapuno tayo ng pagasa na sa kabila ng bawat pagsubok at paghihirap ay ang Diyos na ...
05/04/2026

Ngayong Linggo ng Pagkabuhay, nawaโ€™y mapuno tayo ng pagasa na sa kabila ng bawat pagsubok at paghihirap ay ang Diyos na dala ang tagumpay.

Happy Easter, mga Calambeรฑo!

โ€œKung tayo'y namatay nang kasama ni Cristo, naniniwala tayong mabubuhay rin tayong kasama niya.โ€ -Mga Romano 6:8

Sa katahimikan ng Sabado de Gloria, magpahinga tayo at manalangin, sa paniniwalang tayo ay babangon kasama ni Hesus sa t...
04/04/2026

Sa katahimikan ng Sabado de Gloria, magpahinga tayo at manalangin, sa paniniwalang tayo ay babangon kasama ni Hesus sa tagumpay.

"Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo'y magsisiiyak at magsisipanaghoy, datapuwa't ang sanglibutan ay magagalak: kayo'y mangalulumbay, datapuwa't ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan" - Juan 16:20

Sa paggunita ng banal na sakripisyo ni Hesus para sa sanlibutan, gamitin natin ang Biyernes Santo upang magbalik-loob at...
03/04/2026

Sa paggunita ng banal na sakripisyo ni Hesus para sa sanlibutan, gamitin natin ang Biyernes Santo upang magbalik-loob at ipagkatiwala sa Diyos ang ating mga buhay at pangarap.

โ€œAma, sa mga kamay mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!โ€ - Lucas 23:46

Ngayong Huwebes Santo, tularan natin si Kristo na nagpakumbaba sa Huling Hapunan. โ€œSapagkat maging ang Anak ng Tao ay na...
02/04/2026

Ngayong Huwebes Santo, tularan natin si Kristo na nagpakumbaba sa Huling Hapunan.

โ€œSapagkat maging ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami." - Mateo 20:28

TARGETED SUBSIDY ANG KAILANGANInihain natin ang House Bill No. 8818 na naglalayong magtatag ng TARGETED SUBSIDY PROGRAM ...
01/04/2026

TARGETED SUBSIDY ANG KAILANGAN

Inihain natin ang House Bill No. 8818 na naglalayong magtatag ng TARGETED SUBSIDY PROGRAM ng gobyerno para sa mga vulnerable sectors: mga low-income households, PUV drivers, farmers, fisherfolk, at mga MSMEs.

Ang bawat subsidiya ng gobyerno ay dapat may malinaw na layunin: akayin ang mga mahahalagang sektor na sila ay makapagpatuloy sa kanilang mga hanapbuhay upang magpatuloy din ang daloy ng ating ekonomiya.

Ito ang ating mga tsuper ng pampublikong transportasyon, mga magsasaka, mga mangingisda, at ang mga MSME.

Kapag inuna nating tulungan sila, tuloy ang biyahe ng pampublikong transportasyon at buo ang supply ng pagkain at mga mahahalagang produkto sa bansa.

Sama-sama tayo sa pagbangon, mga Calambeรฑo!

๐†๐Ž๐๐˜๐„๐‘๐๐Ž ๐ƒ๐€๐๐€๐“ ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐€๐€๐’๐€๐‡๐€๐Sa panahon ng krisis, gobyerno dapat ang maaasahan. Sa gitna ng krisis natin sa enerhiya at ...
31/03/2026

๐†๐Ž๐๐˜๐„๐‘๐๐Ž ๐ƒ๐€๐๐€๐“ ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐€๐€๐’๐€๐‡๐€๐

Sa panahon ng krisis, gobyerno dapat ang maaasahan. Sa gitna ng krisis natin sa enerhiya at presyo ng bilihin bunsod ng giyera sa Middle East, oras na para manguna tayo sa gobyerno sa pagpapakitang seryoso tayo sa paglutas ng krisis na ito.

Bago matapos ang sesyon, sinigurado nating naisabatas ang pagtanggal ng excise tax sa gasolina. Simula pa lang dapat ito.

Sa national energy emergency natin, kailangang pabilisin at gawing mas targeted ang mga subsidiya ng gobyerno. Ang pondo ay dapat nakatuon sa pagsisigurong hindi lang tuloy ang biyahe ng pampublikong transportasyon kundi mas marami pa ang biyahe nito dahil asahan na nating mas dadami ang komyuter sa mga darating na linggo.

Kailangang ituon din natin ang pondo sa food security: sa ating mga magsasaka at sa pagbiyahe ng kanilang mga produkto. Ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay dahil sa pagtaas ng gastusin sa transportasyon pati na rin sa pataba ng lupa. Kailangan ang suporta ng gobyerno upang hindi magtaas ang presyo ng pagkain.

Pagkain, kuryente, at transportasyon. Ito ang tatlong sektor na kailangan nating bigyan ng mabilisang pagtugon at pansin dahil sa krisis na ito.

๐Œ๐š๐ฒ ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐š๐ก๐ข ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐ฎ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ญ๐š๐ฌ ๐ญ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ข๐ก๐š๐ก๐š๐ข๐ง ๐ฎ๐ค๐จ๐ฅ ๐๐ข๐ญ๐จ. ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ซ๐ข๐ง ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐ฉ๐ฐ๐š ๐ฆ๐š๐ฆ๐›๐š๐›๐š๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐ฎ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ง๐ข๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ฅ๐š ๐ญ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ค๐š๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ข๐›๐ฌ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ก๐ข๐ซ๐š๐ฉ ๐›๐ฎ๐ง๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐ค๐ซ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ. ๐‹๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ค๐š๐ค๐š๐ฒ๐š ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฆ๐›๐š๐›๐š๐ญ๐š๐ฌ ๐š๐ฒ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐ข๐ง ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ง๐ฒ๐จ.

Sama-sama, hindi kanya-kanya.

Sa awa ng Diyos, malalampasan din natin ito, mga Calambeรฑo!

Congratulations to the 605 graduates of Kapayapaan Integrated School!Laging magtiwala sa sarili at tandaan kung bakit ni...
31/03/2026

Congratulations to the 605 graduates of Kapayapaan Integrated School!

Laging magtiwala sa sarili at tandaan kung bakit niyo sinimulan ang inyong mga pangarap. Yan ang rason kung bakit nagtapos kayo ngayon. ๐Ÿซถ

God bless you all!

Congratulations sa 213 graduates ng Bucal Elementary School ngayong taon!Always remember to be bold, be brave, and alway...
30/03/2026

Congratulations sa 213 graduates ng Bucal Elementary School ngayong taon!

Always remember to be bold, be brave, and always show up no matter what happens. Yan ang pinakamahalagang leksyon na matututunan ninyo sa eskwelahan:
mangarap, sumubok, at magsumikap!

God Bless you all in this new milestone of yours!

Address

District Office
Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cong. CHA Hernandez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Cong. CHA Hernandez:

Share

Category