DepEd Tayo Bucal ES-Calamba City

DepEd Tayo Bucal ES-Calamba City It is a school page that provide information to the school's stakeholders and other concerns.

PATULOY ANG PAGPAPATALA PARA  SA SCHOOL YEAR 2026–2027Matagumpay na naidaos ang ikalawang araw ng enrollment sa tulong n...
03/06/2026

PATULOY ANG PAGPAPATALA PARA SA SCHOOL YEAR 2026–2027

Matagumpay na naidaos ang ikalawang araw ng enrollment sa tulong ng ating mga g**o at ng Oplan Balik Eskwela–Public Assistance Action Center, na patuloy na nagbibigay ng gabay at serbisyo sa mga magulang at mag-aaral.

Inaanyayahan pa rin namin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na ipatala ang kanilang mga anak para sa School Year 2026–2027. Magtungo lamang sa paaralan upang maging bahagi ng isang ligtas, masaya, at makabuluhang taon ng pagkatuto.

Mag-enroll na at sama-sama nating ihanda ang ating mga mag-aaral para sa darating na pasukan.

IKALAWANG ARAW NG BRIGADA ESKWELA 2026Patuloy ang bayanihan at pagtutulungan sa ikalawang araw ng Brigada Eskwela! Taos-...
03/06/2026

IKALAWANG ARAW NG BRIGADA ESKWELA 2026

Patuloy ang bayanihan at pagtutulungan sa ikalawang araw ng Brigada Eskwela!

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga g**o, magulang, volunteers, at stakeholders na patuloy na naglalan ng kanilang oras, lakas, at suporta upang maging handa at ligtas ang ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Inaanyayahan pa rin po namin ang lahat na makibahagi sa Brigada Eskwela na magtatapos sa darating na Biyernes. Maaari po kayong magbigay ng inyong serbisyo, oras, kagamitan, o anumang donasyon na makatutulong sa pagpapaganda at paghahanda ng ating paaralan.

Sama-sama nating isulong ang diwa ng bayanihan para sa edukasyon ng ating mga mag-aaral.

PAMUMUNONG MAY PUSOAng tunay na lider ay hindi nasusukat sa kapangyarihan o posisyon, kundi sa kanyang kakayahang maglin...
02/06/2026

PAMUMUNONG MAY PUSO

Ang tunay na lider ay hindi nasusukat sa kapangyarihan o posisyon, kundi sa kanyang kakayahang maglingkod nang may pagmamahal at malasakit. Sa bawat simpleng gawa ng kabutihan, naipapakita ang diwa ng servant leadership—ang paglalagay sa kapakanan ng iba, lalo na ng mga mag-aaral, bilang pangunahing layunin.

Kapag ang pamumuno ay nagmumula sa puso, nagiging inspirasyon ito at nag-iiwan ng positibong pagbabago sa buhay ng bawat batang ating pinaglilingkuran.

Pasasalamat sa ating mga ARAL Summer Program Volunteer TutorsTaos-pusong pasasalamat sa ating mga masisipag at mapagmala...
02/06/2026

Pasasalamat sa ating mga ARAL Summer Program Volunteer Tutors

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga masisipag at mapagmalasakit na mga ARAL Summer Program Volunteer Tutors. Ang pagbibigay ng inyong panahon, dedikasyon, at malasakit sa pagtuturo ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito.

Dahil sa inyong walang sawang paggabay at pagbabahagi ng kaalaman, mas naging makabuluhan at masaya ang karanasan sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral ngayong bakasyon.

Maraming salamat sa inyong puso para sa serbisyo at sa patuloy na pagsuporta sa adhikain upang mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang ating mga mag-aaral.

Kayo ay tunay na inspirasyon at mahalagang katuwang sa paghubog ng kinabukasan ng ating mga kabataan.

Mabuhay ang ating mga ARAL Volunteer Tutors!







Pagtatapos ng ARAL Summer Program 2026 Matagumpay na naisagawa ang Culminating Activity ng ARAL Summer Program ngayong i...
02/06/2026

Pagtatapos ng ARAL Summer Program 2026

Matagumpay na naisagawa ang Culminating Activity ng ARAL Summer Program ngayong ika-2 ng Hunyo 2026, na nagsilbing pagdiriwang ng mga natutunan, karanasan, at tagumpay ng ating mga mag-aaral sa loob ng ilang linggong pakikilahok sa programa.

Sa pangunguna ni Gng. Edna T. Trapago, Dalubg**o I at ARAL Program Coordinator, kasama ang buong suporta ni Dr. Wennie C. Caraan, EdD, Punongg**o III, naging makabuluhan at masaya ang pagtatapos ng programang naglalayong paigtingin ang kaalaman at kasanayan ng ating mga mag-aaral.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa ating masisipag at mahuhusay na ARAL Volunteer Tutors na naglaan ng kanilang oras, talento, at pagmamahal sa pagtuturo upang matulungan ang ating mga mag-aaral na higit pang mapaunlad ang kanilang pagkatuto ngayong bakasyon.

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga sponsors na sina SK Chairman Josh Datoy-Combite at Pamilya, gayundin kay Kapitan Gil B. Rimas, sa kanilang suporta at kabutihang-loob na naging malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito.

Isang espesyal na pasasalamat din sa Brgy. Children Association (BCA) ng Brgy. Bucal sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Ylan Isaac B. Peñaflor para sa masigla at masayang pagpapadaloy ng mga palaro na nagbigay ng kasiyahan at dagdag na inspirasyon sa ating mga mag-aaral.

Ang tagumpay ng ARAL Summer Program ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng paaralan, LGU, mga volunteers at mga katuwang sa komunidad mas marami tayong mabibigyang pagkakataon upang matuto at magtagumpay.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga minamahal na mag-aaral!







MARAMING SALAMAT PO!Mayor ROSS Rizal
01/06/2026

MARAMING SALAMAT PO!
Mayor ROSS Rizal

Unang Araw ng Enrollment para sa Taong Panuruan 2026–2027 Hunyo 1, 2026Matagumpay na naisagawa ang unang araw ng enrollm...
01/06/2026

Unang Araw ng Enrollment para sa Taong Panuruan 2026–2027
Hunyo 1, 2026

Matagumpay na naisagawa ang unang araw ng enrollment sa Bucal Elementary School sa pangunguna ng ating mga masisipag na g**o katuwang ang Oplan Balik Eskwela–Public Assistance Action Center (OBE-PAAC) upang matiyak ang maayos, mabilis, at maginhawang proseso ng pagpapatala para sa ating mga mag-aaral at mga magulang.

Patuloy na nagsisilbi ang paaralan upang matulungan ang mga magulang at mag-aaral sa kanilang mga katanungan at pangangailangan kaugnay ng pagpapatala para sa darating na pasukan. Ang pagtutulungan ng mga g**o at kawani ng paaralan ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng dekalidad at maagap na serbisyo sa komunidad.

📌 Patuloy pa ring isinasagawa ang enrolment hanggang Hunyo 5, 2026 (Biyernes), mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-4:00 ng hapon.

Kaugnay nito, inaanyayahan pa rin namin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na ipatala na ang kanilang mga anak upang maging handa sa pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027.

Ang gawaing ito ay isinasagawa sa ilalim ng mahusay na patnubay at pamumuno ni Dr. Wennie C. Caraan, EdD, Punongg**o III, na patuloy na nagsusulong ng mga programang nakatuon sa kapakanan at tagumpay ng bawat mag-aaral.

Magpatala na! Sama-sama nating ihanda ang bawat mag-aaral para sa isang matagumpay na taon ng pagkatuto.

Libreng Gamit sa Eskwela para sa mga Mag-aaral ng Bucal Elementary SchoolNgayong Hunyo 1, 2026, matagumpay na naipamahag...
01/06/2026

Libreng Gamit sa Eskwela para sa mga Mag-aaral ng Bucal Elementary School

Ngayong Hunyo 1, 2026, matagumpay na naipamahagi sa mga mag-aaral ng Bucal Elementary School ang mga libreng gamit sa eskwela kabilang ang payong, bag, uniporme, at iba pang mahahalagang kagamitang pampaaralan sa ilalim ng programa ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba.

Ang programang ito ay bunga ng maayos at masinop na paggamit ng buwis ng bawat Calambeño sa pangunguna ng ating mahal na Punong Lungsod, Roseller 'ROSS' H. Rizal, kasama ang buong Sangguniang Panlungsod, sa pakikipagtulungan ni Dr. Merthel M. Evardome, CESO V at Department of Education- Calamba City.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng sapat na suporta ang ating mga mag-aaral habang sila ay naghahanda para sa panibagong taon ng pagkatuto. Sa pamamagitan ng mga kagamitang ito, mas magiging handa at inspiradong harapin ng ating mga kabataan ang kanilang pag-aaral.

Lubos ang pasasalamat ng Bucal Elementary School sa Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa patuloy nitong malasakit at suporta sa edukasyon. Tunay na ang pagtutulungan ng pamahalaan, paaralan, at komunidad ay nagiging daan upang matiyak ang mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat batang Calambeño.

Brigada Eskwela 2026 Kick-Off and Day 1 ActivitiesWith the theme “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at ...
01/06/2026

Brigada Eskwela 2026 Kick-Off and Day 1 Activities

With the theme “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,” Bucal Elementary School officially launched Brigada Eskwela 2026 on June 1, 2026, through a vibrant Kick-Off Motorcade followed by an opening program highlighted by the Signing of the Pledge of Commitment. This meaningful activity symbolized the unity, commitment, and shared responsibility of all stakeholders in preparing the school for another productive and successful school year.

The first day of Brigada Eskwela was marked by the active participation of stakeholders, volunteers, parents, community partners, and school personnel who generously contributed their time, effort, and resources to help create a safe, clean, and conducive learning environment for all learners.

The activity was spearheaded by Ma’am Joanne T. Tendencia, Brigada Eskwela Advocate, under the leadership and supervision of Dr. Wennie C. Caraan, Principal III, whose unwavering support continues to strengthen the culture of volunteerism and community involvement in the school.

The school also extends its sincere appreciation to the Sangguniang Barangay of Bucal, led by Brgy. Chairman Gil B. Rimas, for generously providing a vehicle for the kick-off motorcade, which contributed greatly to the success of the opening activities.

As Brigada Eskwela continues, Bucal Elementary School remains grateful for the support and cooperation of its partners and stakeholders. Together, we embody the true spirit of bayanihan—working hand in hand to ensure that every learner is welcomed into a school environment that promotes safety, excellence, and quality education.

01/06/2026

Happy Birthday, Ma'am Winny Jane L. Vivas!

Today, we celebrate not only your birthday but also the wonderful impact you make as one of our dedicated Grade 6 advisers and a passionate Mathematics teacher. Your patience, wisdom, and commitment to helping learners solve life's equations and discover the joy of learning are truly appreciated.

Just like in Mathematics, you add knowledge, multiply inspiration, subtract worries, and divide your time generously to guide your learners toward success. Your dedication and hard work continue to make a positive difference in the lives of many children.

May God bless you with good health, happiness, and endless opportunities. May your life always be filled with positive outcomes, meaningful experiences, and abundant blessings.

Address

National Highway, Barangay Bucal, Calamba City
Calamba
4027

Telephone

+63495432535

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Bucal ES-Calamba City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo Bucal ES-Calamba City:

Share