03/06/2026
๐ง๐จ๐๐จ๐ฌ-๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ข! ๐ซก๐
Sa pagpasok ng buwan ng Hunyo, patuloy po nating sinisimulan ang bawat araw sa pagtupad ng ating tungkulin para sa kapakanan ng ating mga kabarangay.
Kahapon, tayo po ay dumalo sa Regular Monthly Meeting ng Liga ng mga Barangay ng Lungsod ng Calamba kung saan tinalakay ang iba't ibang mahahalagang usapin na may direktang epekto sa ating mga barangay at sa bawat pamilyang Calambeรฑo.
Kabilang sa mga pangunahing agenda ang pagpapaigting ng pagpapatupad ng ๐๐ถ๐๐ ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ก๐ผ. ๐ด๐ฏ๐ต na naglalayong ๐ฉ๐ช๐จ๐ฑ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ญ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐จ๐ข๐ฎ๐ช๐ต, ๐ฑ๐ข๐จ๐ฃ๐ฆ๐ฃ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ข, ๐ฅ๐ช๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ฃ๐ถ๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ, ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ด๐บ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐จ๐ข๐ณ๐ช๐ญ๐บ๐ฐ, ๐ท๐ข๐ฑ๐ฆ, ๐ข๐ต ๐ช๐ฃ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ฐ๐ฃ๐ข๐ค๐ค๐ฐ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ฅ๐ถ๐ค๐ต๐ด ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐จ๐ข๐ณ, ๐ญ๐ข๐ญ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ. Layunin nitong maprotektahan ang kalusugan ng ating mga mamamayan, lalo na ang kabataan.
Tinalakay rin ng mga kinatawan ng Calamba Water District ang kanilang programa para sa paglalagay ng mga fire hydrant sa iba't ibang barangay. Isa itong mahalagang hakbang upang mapalakas ang kahandaan ng ating mga komunidad laban sa sunog at iba pang sakuna, lalo na sa mga lugar na may mataas na populasyon at mga industriyal na establisimyento gaya ng Barangay Batino.
Nagbigay rin ng mahahalagang impormasyon ang City Health Services Office ukol sa patuloy na pagsusulong ng mga programang may kaugnayan sa mental health. Muli nating pinaaalalahanan ang ating mga kabarangay na huwag mag-atubiling lumapit sa ating barangay o sa City Health Office kung nangangailangan ng kaukulang gabay at suporta.
Isa rin sa mga inaabangang balita sa pagpupulong ay ang pagbabalik ng ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ฅ๐ผ๐๐ ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ-๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ป๐ฎ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ na muling magbibigay ng pagkakataon sa ating mga kabataan at mamamayan na makilahok sa mga paligsahang pampalakasan at iba pang gawaing pangkomunidad sa mga susunod na buwan.
Patuloy po tayong nakikiisa sa mga pagpupulong at programang makatutulong sa pagbuo ng mas ligtas, mas malusog, at mas maunlad na Calamba para sa lahat.
๐ฆ ๐ง๐๐ป๐ฎ๐. ๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐. ๐ ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐. ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฟ๐๐๐ผ๐๐๐๐๐ โจ