29/05/2026
๐ค๐ PHILHEALTH YAKAP PARA SA MGA 4Ps BENEFICIARIES
Bilang bahagi ng pagsusulong ng mas accessible na serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang Calambeรฑo, isinagawa ang PhilHealth YAKAP para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong Mayo 29, 2025 sa PhilHealth Office, Calamba Medical Center Annex Building.
Sa pamamagitan ng programang ito, mas nabigyang-kaalaman ang mga kalahok tungkol sa mga benepisyong maaaring makuha sa ilalim ng PhilHealth, kabilang ang mga serbisyong medikal na makatutulong sa pangangalaga ng kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya.
Ang aktibidad na ito ay bunga ng pagtutulungan ng PhilHealth, Calamba City Health Services Department, at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak na ang mga serbisyong pangkalusugan ay naaabot ng mga pamilyang higit na nangangailangan.
๐ Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba ang mga programang naglalayong mapalawak ang access sa dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.