08/09/2026
CALAMBA POLICE, NAGHATID NG PAALALA KONTRA NAKAW SA PAMILIHANG BAYAN
Heads up, mga Calambeño!
Nagsagawa ang Calamba City Police Station ng Oplan Bandillo sa Pamilihang Bayan upang paalalahanan ang mga mamimili at tindero na manatiling alerto at mapagmatyag laban sa mga insidente ng nakawan, lalo na sa mataong lugar.
Mamili nang may ingat!
Bantayan ang cellphone. Ingatan ang wallet at pera.
Ilagay sa harap at laging nakasara ang bag.
Huwag maging kampante. Isang segundo lang ng pagiging distracted, puwedeng maging opportunity para sa kawatan.
Sa pamamagitan ng patuloy na Oplan Bandillo, nakikiisa ang Calamba Police sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na Pamilihang Bayan.
Maging alerto. Maging responsable. Iwasan ang pagkakataon para sa nakawan.
United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna