15/09/2026
Patuloy na isinusulong ng Office of the City Civil Registrar - Calaca (CCRO) ang layuning mailapit sa bawat Calacazen ang mahahalagang serbisyo sa pagpaparehistro ng kapanganakan at iba pang dokumentong sibil sa pangunguna ni CCR Ma. Cristina M. De Los Reyes.
Sa isinagawang aktibidad sa Barangay Bisaya, matagumpay na naisagawa ang mga sumusunod:
๐ Mobile Birth Registration (BRAP) โ Pagbibigay ng tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo upang magkaroon ng legal at opisyal na rekord ng kanilang kapanganakan.
๐ Orientation on Basic Civil Registration and Vital Statistics para sa Barangay Functionaries โ Pagpapalawak ng kaalaman ng mga katuwang sa barangay tungkol sa kahalagahan ng civil registration at vital statistics sa pagpaplano at pagpapaunlad ng mga serbisyong pampubliko.
๐ Awarding of Registered Certificates of Live Birth sa mga BRAP Beneficiaries โ Pagkakaloob ng mga rehistradong Certificate of Live Birth sa mga benepisyaryong natulungan sa proseso ng pagpaparehistro.
Naging bahagi rin ng programa ang pagbibigay ng serbisyo sa impormasyon at paglilinaw ng mga kawani ng CCRO Calaca hinggil sa mga katanungan ng mga mamamayan tungkol sa Republic Act No. 9255 (RA 9255), Legitimation, at Republic Act No. 9048 (RA 9048). Layunin nitong maipaliwanag nang maayos ang mga kaukulang proseso, requirements, at iba pang mahahalagang impormasyon upang matulungan ang mga aplikante na makapaghanda ng wastong dokumento at makapagsagawa ng naaangkop na hakbang para sa kanilang mga pangangailangan sa civil registration.
Lubos na pasasalamat sa pakikiisa at suporta ni Zeny V. Mendoza, Assistant Birth Registration Coordinator mula sa PSA Batangas, na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.
Ang bawat rehistradong kapanganakan ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng legal na pagkakakilanlan, pag-access sa mga serbisyong pampamahalaan, at mas ligtas na kinabukasan para sa bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng mga programang ito, patuloy na nagsisikap ang Ccro Calaca na matiyak na walang Calacazen ang maiiwan sa mahalagang proseso ng civil registration.
Taos-pusong pasasalamat kay City Mayor Nas Ona sa patuloy na paggabay at suporta sa mga programang naglalayong mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa bawat barangay at mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.