City Engineering Office- Calaca

City Engineering Office- Calaca Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Engineering Office- Calaca, Public & Government Service, Pob. 4, Calaca.

Sa Salong, tuloy ang sulong ng pangarap ng ating mga kabataan!๐ŸงกIsang mahalagang hakbang ang ating nasaksihan sa Groundbr...
04/06/2026

Sa Salong, tuloy ang sulong ng pangarap ng ating mga kabataan!๐Ÿงก

Isang mahalagang hakbang ang ating nasaksihan sa Groundbreaking ng Salong Integrated Schoolโ€”isang proyektong maglalapit ng mas kumpleto at mas naaabot na edukasyon para sa ating mga mag-aaral. ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿง‘

Sa pamamagitan ng isang integrated school, mas magiging tuloy-tuloy ang pag-aaral ng ating mga kabataan sa loob ng iisang paaralan at komunidad, mula sa mga unang hakbang ng pag-aaral hanggang sa paghahanda para sa kolehiyo, trabaho, o pagnenegosyo.

Mas kaunting oras sa biyahe, mas maraming oras sa pag-aaral, at mas magaan para sa ating mga magulang. Higit sa lahat, mas maraming kabataang Calacazen ang mabibigyan ng pagkakataong mangarap at magtagumpay.๐Ÿ‘ฉโ€๐ŸŽ“๐Ÿง‘โ€๐ŸŽ“

Patuloy nating itinatayo hindi lamang ang mga gusali, kundi ang mga pangarap at kinabukasan ng susunod na henerasyon.




Pantay ang Pangarap!Groundbreaking of 3-Storey School Bldg. Pantay Elementary SchoolSa isa na namang groundbreaking ng b...
14/05/2026

Pantay ang Pangarap!
Groundbreaking of 3-Storey School Bldg. Pantay Elementary School

Sa isa na namang groundbreaking ng bagong paaralang elementarya, hindi lang tayo nagtatayo ng silid-aralan, nagtatayo tayo ng mas malaking pangarap, mas matibay na pag-asa, at mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat batang Calacazen.

Dito, bawat pundasyon ay simbolo ng oportunidad. Bawat hakbang sa lupa ay hakbang tungo sa kaalaman. At bawat pader na itatayo ay magiging tahanan ng mga pangarap na mag-aangat sa buong Lungsod ng Calaca.

Dahil sa Calaca, pantay ang karapatan ng bawat bata na matuto, mangarap, at magtagumpay.

Ito ang tunay na TAMANG GAWAโ€”serbisyong may konkretong aksyon, hindi puro DADA. Sa pagkakaisa ng inyong pamunuan, nakakamit ang tunay na pag-unlad!

14/05/2026
14/05/2026
03/05/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐„๐ง๐ ๐ซ. ๐„๐ฅ๐ž๐ง๐จ ๐†. ๐Ž๐ง๐ญ๐š๐ง๐ ๐œ๐จ! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰๐Ÿงก

Taos-pusong pagbati at pasasalamat sa iyong mahusay na pagseserbisyo at dedikasyon para sa mga Calacazen.

- Mula sa iyong pamilya sa Pamahalaang Panlungsod sa pangunguna ni City Mayor Nas Ona

Happy Birthday, Engr. Eleno Ontangco ๐ŸงกMay your special day be filled with happiness, good health, and continued success....
03/05/2026

Happy Birthday, Engr. Eleno Ontangco ๐Ÿงก

May your special day be filled with happiness, good health, and continued success. We are truly grateful not only for your wisdom but also for your kindness. Wishing you more years of excellence and fulfillment!

Love,

Your City Engineering Family ๐Ÿงกโค๏ธ

30/03/2026

Ngayong Lunes Santo, paalalang linisin ang sarili sa galit, takot, at pangambaโ€”at magtanim ng kapayapaan sa bawat kilos.

๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ฅ๐—ฒ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป/๐—จ๐—ฝ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ณ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ ๐—ฃ๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ผ, ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ผ, ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ, ...
24/03/2026

๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ฅ๐—ฒ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป/๐—จ๐—ฝ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ณ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ ๐—ฃ๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ผ, ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ผ, ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ, ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜€

Hakbang tungo sa mas Ligtas at Matatag na Komunidad.

Matagumpay na pagkumpleto ng Slope protection with Rehabilitation/Upgrading of Road at Sitio Pusao, Barangay Tamayo. Ito ay may layunin na maiwasan ang pagguho ng lupa lalo na sa panahon ng malalakas na ulan, at maprotektahan ang mga tahanan, kalsada, at kabuhayan ng bawat isang Calacazens. Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas napapalakas natin ang ating paghahanda laban sa mga sakuna.

Ang proyektong ito ay patunay na sa tulong ng pagkakaisa at maayos na pamamahala, kaya nating makamit ang mga proyektong tunay na makikinabang ang komunidad.

๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐’๐ฅ๐จ๐ฉ๐ž ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐‘๐ž๐ก๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐‘๐จ๐š๐Bilang tugon ng ๐—Ÿ๐—ผ๐—ธ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป na pinamumunuan ni ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ...
19/01/2026

๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐’๐ฅ๐จ๐ฉ๐ž ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐‘๐ž๐ก๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐‘๐จ๐š๐

Bilang tugon ng ๐—Ÿ๐—ผ๐—ธ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป na pinamumunuan ni ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐š๐ฌ ๐Ž๐ง๐š sa naging epekto ng mga nakaraang Bagyo, matagumpay na naisagawa ang Slope Protection with Rehabilitation of Road sa Barangay Cahil.

Layunin nitong palakasin ang proteksyon laban sa pagbaha at pagguho ng lupa, upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at magkaroon ng maaasahang sistema ng transportasyon na sumusuporta sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ang proyektong ito ay nakapaloob sa Programang ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†, na patuloy na naglalayong maghatid ng matibay, ligtas, at maaasahang imprastruktura para sa bawat Calacazens.


Address

Pob. 4
Calaca
4212

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Engineering Office- Calaca posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share