13/08/2026
๐๐๐- ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Sa pagbubukas ng Ika-57 Karaniwang Pulong ng Ikalawang Sangguniang Panlungsod ng Lungsod ng Calaca, muling tinalakay ang mahahalagang usapin at panukalang hakbang para sa kapakanan, kaligtasan, at kabuhayan ng bawat Calacazen. Pinangunahan ni Kagalang-galang Cedric M. De Joya ang pagpupulong, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at tiniyak ang maayos at naaayon sa batas na pagsasagawa ng sesyon, alinsunod sa mga umiiral na batas at Internal Rules of Procedure.
Binigyang-diin naman ni Kagalang-galang Robenson Sale ang ilang pangyayaring naganap sa Barangay Calantas at Barangay Baclas na nangangailangan ng agarang pagsusuri at nararapat na tugon ng Sangguniang Panlungsod.
Dahil dito, isinailalim sa masusing pag-aaral ang mga nasabing pangyayari upang matukoy ang mga kinakailangang hakbang at, kung kinakailangan, makapaglatag ng angkop na lehislatibong hakbang upang maiwasan ang pag-uulit ng mga insidenteng maaari namang maagapan.
Kabilang din sa mahahalagang hakbang ang pagpapatibay ng resolusyong nagbibigay-pahintulot sa Punong Lungsod na lumagda sa mga Memorandum of Agreement, na naglalayong palakasin ang kakayahan ng Pamahalaang Lungsod sa pagtugon sa mga sakuna, kalamidad, at iba pang pangangailangan ng komunidad.
Gayundin, pinagtibay ang Implementing Rules and Regulations ng Industrial Safety Ordinance, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga industriya para sa mabilis na pagtugon sa mga insidente, aksidente, at kalamidad, at higit na mapangalagaan ang kaligtasan ng bawat Calacazen.
Para sa Sangguniang Panlungsod, ang bawat pangyayari ay panawagan upang makinig, magsuri, at kumilos. Ang mga ordinansa at resolusyon ay hindi instrumento ng pagsikil sa kalayaan. Sa halip, ang mga ito ay mga kasangkapan upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, pananagutan, at katiyakan ng ating komunidad.
Sa bawat sesyon at bawat lehislatibong hakbang, nananatiling malinaw ang layunin: ang pangalagaan ang bawat Calacazen, tumugon sa tunay na pangangailangan ng komunidad, at bumuo ng isang lungsod na ligtas, maayos, at handa sa hinaharap.
Sangguniang Panlungsod ng Lungsod ng Calacaโpatuloy, matatag, at hindi kailanman titigil sa tamang gawa para sa serbisyong panalo!