01/06/2026
Matagumpay na naisagawa ng Calaca Senior High School ang Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program ngayong Hunyo 1, 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng stakeholders, immersion partners, alumni, mga magulang sa pangunguna ng ating SPTA President Mr. Ferdimar Velasco, volunteers, at mga kaibigan ng paaralan na nakiisa at nagpaabot ng kanilang suporta. Ang inyong oras, lakas, at malasakit ay patunay na ang edukasyon ay tunay na responsibilidad ng buong komunidad.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga Punong Barangay at mga kinatawan ng iba't ibang barangay na dumalo at nakiisa sa programa, sa pangunguna ni Barangay Captain Virgilio Manalo ng Barangay Madalunot. Ang inyong pakikiisa at suporta ay nagpapakita ng matibay na ugnayan ng paaralan at komunidad tungo sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.
Pinangunahan ang programa nina Brigada Eskwela Coordinator Mrs. Gerlie E. Pasno at Co-Coordinator Mrs. Shella Marie T. Gumapac, katuwang ang iba't ibang Brigada Eskwela Committees na naging susi sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.
Lubos din ang pasasalamat sa patuloy na suporta at pamumuno ng ating minamahal na Punongguro II, Mrs. Gloria C. Salazar, na nagsisilbing inspirasyon sa pagsusulong ng ligtas, maayos, at makabuluhang kapaligiran sa pagkatuto.
Lubos din po naming pinasasalamatan ang suporta at pakikiisa ng ating City Mayor Nas Ona, City Health Officer Dra. Marjolyne Sharon Ona, kasama ang SDO Calaca City Top Management sa pangunguna ni Dr. Gregg Mueco, ASDS Dr. Ferdinand T. Glor, CID Chief Dr. Anabel Rosales Marasigan, at OIC-SGOD Chief Dr. Aprilito De Guzman, sa kanilang patuloy na pagsuporta sa mga programa at adhikain ng ating paaralan.
Sa temang โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,โ muling pinatunayan ng bawat CASEHIGHian at katuwang ng paaralan na ang pagkakaisa, bayanihan, at malasakit ng komunidad ay mahalagang sandigan sa paghubog ng mas maayos at mas matagumpay na kinabukasan ng edukasyon.