03/09/2026
Ngayong araw ay ipinagdiriwang ang ika-4 na anibersaryo ng Cityhood of Calaca. Kaugnay nito, matagumpay na inilunsad ng Schools Division Office (SDO) of Calaca City ang ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ sa Calaca Senior High School Gymnasium, bilang bahagi ng pagdiriwang at paglalatag ng mga natatanging programa, inobasyon, talento, at tagumpay ng sektor ng edukasyon sa lungsod.
Lubos ang ating pasasalamat sa patuloy na paggabay at suporta ng SDO Calaca City, sa pangunguna ng ating masipag na Top ManagementโSDS Dr. Gregorio T. Mueco, ASDS Ms. Nadine Celindro, CID Chief Dr. Annabel Marasigan, at OIC-SGOD Chief Dr. Aprilito De Guzman. Taos-puso rin nating kinikilala ang mga Education Program Supervisors na walang sawang gumabay at sumuporta, ang mga punong-g**o ng iba't ibang paaralan, at ang lahat ng panauhing nakiisa sa ating Youth Summit 2026.
Gayundin, taos-puso ang ating pasasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Calaca, sa pangunguna ng ating City Mayor Nas C. Ona, at sa City Health Officer, Dra. Sharon Ona, kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Calaca, sa patuloy na pagtitiwala at pakikiisa para sa kapakanan at pag-unlad ng ating mga mag-aaral.
Ang mga booths na matatagpuan sa Calaca Senior High School ay bunga ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng iba't ibang paaralan sa lungsod upang maipakita ang husay, talento, inobasyon, at makabuluhang ambag ng edukasyon sa pag-unlad ng Calaca.
Bilang host school, buong pagmamalaking itinanghal ng Calaca Senior High School ang mga natatanging best outputs, research, at skills ng ating mga mag-aaral, sa pangunguna ng ating mahusay at masipag na Punong-g**o, Dr. Carmi D. Mendoza.
Katuwang ang ating mga g**o, Master Teachers, Dr. Joemark Gumapac, Ma'am Gerlie E. Pasno, Guidance Designate, Ma'am Rowena V. Ontangco, TechPro HE/ICT Subject Coordinator, Mr. Conrado B. Macalindong, TechPro IA Subject Coordinator, Dr. Anna Marie M. De Leon, at Faculty President Mrs. Lycel V. Panganiban, naging maayos at matagumpay ang pagpapamalas ng husay, galing, pagkamalikhain, at potensiyal ng mga Young Calacazens.
Sa sama-samang pagkilos ng SDO Calaca City, Pamahalaang Lungsod ng Calaca, mga paaralan, mga g**o, at mga mag-aaral, patuloy nating itinataguyod ang isang edukasyong tunay na nagbibigay ng oportunidad, nagpapalakas ng talento, at naghahanda sa kabataan para sa mas maunlad na kinabukasan.
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐!