14/07/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Para sa mga Iskolars ng Barangay Puting Bato East! ๐ข
Alinsunod sa mga requirements ng NASA ISIP Financial Assistance Program para sa 2nd Semester, A.Y. 2025โ2026, ang lahat ng College, Masteral, at Doctoral applicants ay inaanyayahang makiisa sa ating Community Service Activity. Ang paglahok sa gawaing ito ay isa sa mga pangunahing requirements para sa inyong financial assistance.
๐ Lugar: PBE Covered Court
๐ Oras ng Pagtitipon: 6:30 AM
๐๏ธIskedyul ng Aktibidad
Hulyo 15, 2026 (Miyerkules): Para sa lahat ng College, Masteral, at Doctoral applicants.
Hulyo 18, 2026 (Sabado): Para lamang sa mga may valid na dahilan kung bakit hindi nakapunta ngyaong Miyerkules.
๐ Mahalagang Impormasyon
โ
Ang Community Service Activity ay para sa mga aplikanteng nagtapos ng 2nd Semester, A.Y. 2025โ2026.
โ
Maaaring regular o irregular student, basta walang bagsak sa lahat ng subjects na naka-enroll noong 2nd Semester, A.Y. 2025โ2026.
โ
Kasama pa rin ang mga 2026 graduates, dahil kabilang sa mga requirements na ipapasa ang:
- A.Y. 2025โ2026 2nd Semester Certificate of Registration (COR)
- A.Y. 2025โ2026 2nd Semester Official Grades
โ
Para naman sa mga nagkaroon ng bagsak noong 2nd Semester ngunit kasalukuyang nagse-Summer Class, maghintay muna ng karagdagang anunsyo tungkol sa kanilang eligibility.
Gayunpaman, hinihikayat pa rin namin silang dumalo at makiisa sa Community Service Activity. Sa ganitong paraan, kung sakaling maisama sila sa final list, nakumpleto na nila ang requirement. At kung hindi man, nakatulong pa rin sila sa mga gawain at programa ng ating barangay.
๐ Iba Pang Paalala
- Para lamang sa College, Masteral, at Doctoral applicants. Hindi pa kasama ang mga incoming 1st year college.
- Para sa SHS: Hindi pa kasama ang Senior High School (SHS) applicants. Maghintay na lamang ng hiwalay na anunsyo.
- Attendance: Ang opisyal na attendance ay manggagaling sa CICT Office. Siguraduhing makapirma sa attendance sheet.
- Dalhin: Mangyaring magdala ng sariling kagamitan sa paglilinis (hal. walis, kalaykay, sako, dustpan, o iba pang maaaring gamitin) at sariling tumbler o lalagyan ng tubig.
Paalala: Ang pagdalo sa Community Service Activity ay mandatory dahil isa ito sa mga requirements para sa pagproseso ng inyong NASA ISIP Financial Assistance para sa 2nd Semester.
Maraming salamat at inaasahan ang inyong pakikiisa!๐