Mayor Nas Ona

Mayor Nas Ona Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mayor Nas Ona, Government Official, Calaca City Hall, Calaca.
(2)

20/06/2026

Sa lahat ng masisipag, mapagmahal, at responsableng amang Calacazen, isang taos-pusong pagbati ng Happy Father's Day! ๐Ÿงก๐Ÿ’š๐Ÿ’™

Saludo kami sa inyong walang sawang pagsisikap, sakripisyo, at pagmamahal na nagsisilbing matibay na haligi ng bawat tahanan at inspirasyon ng ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong paggabay, pagtitiyaga, at dedikasyon sa inyong pamilya at sa paghubog ng mas maunlad na Lungsod ng Calaca. ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง! ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—ฌ๐—”๐—›๐—˜! ๐ŸšŒ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”-๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—” ๐Ÿš VIA TAAL BYPASS BUS ROUTESimula na ng operasyon ng pinaka-aab...
18/06/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง! ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—ฌ๐—”๐—›๐—˜!

๐ŸšŒ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”-๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—” ๐Ÿš VIA TAAL BYPASS BUS ROUTE

Simula na ng operasyon ng pinaka-aabangang UV Express Service ngayong araw, at bilang pasasalamat sa ating mga kababayan, LIBRE ang sakay sa Calacaโ€“Lipa route mula 8:00 AM hanggang 6:00 PM ngayong araw!

Tara na at maging bahagi ng unang araw ng mas komportable, mas maayos, at mas accessible na pampublikong transportasyon para sa mga Calacazen! ๐Ÿงก

๐Ÿ“Loading/Unloading sa parking space sa likod ng Mercury Drug

Aba'y sakay na!!!



๐—Ÿ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น ๐—จ๐—ฝ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—˜๐˜…๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐˜‡๐—ฒ๐—ป! ๐Ÿš€Patuloy nating pinalalakas ang ating mga paaralan sa pamamagitan ...
18/06/2026

๐—Ÿ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น ๐—จ๐—ฝ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—˜๐˜…๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐˜‡๐—ฒ๐—ป! ๐Ÿš€

Patuloy nating pinalalakas ang ating mga paaralan sa pamamagitan ng mga bagong learning tools at classroom equipment tulad ng instructional materials, SMART TVs, armchairs, eBlocks systems, at magnetic whiteboards upang mas maging makabuluhan, masigla, at makabago ang pag-aaral ng ating mga mag-aaral.๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿง‘โ€๐Ÿซ

Dahil sa ilalim ng TAMA ANG GAWA, ang bawat eskwelahan ay dapat may sapat na kagamitan upang mas maabot ng bawat batang Calacazen ang kanilang mga pangarap. ๐Ÿ™Œ


Masayang-masaya kami dahil sinimulan muli natin ang ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—” ๐—›๐—จ๐—ฆ๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป sa Tamayo Elementary School,...
17/06/2026

Masayang-masaya kami dahil sinimulan muli natin ang ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—” ๐—›๐—จ๐—ฆ๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป sa Tamayo Elementary School, Matipok Elementary School, Madalunot Elementary School, at Puting Kahoy Elementary School. Tuloy-tuloy na tayo hangga't matapos ang lahat ng paaralan.

Kasabay nito ang pagpapakilala ng ๐—•๐—”๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—›๐—” (๐—ฆ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ. ๐—›๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜†. ๐—”๐˜€๐—ฎ๐—น.), isang bagong inisyatiba sa ilalim ng TAMA ANG GAWA character program na naglalayong hubugin ang mga batang Calacazen na masaya, may mabuting asal, at handang mangarap nang mas mataas.

Dahil para sa amin, hindi lang gamit sa paaralan ang mahalaga, kundi ang paggabay sa ating mga kabataan sa kanilang pagharap sa buhay nang may matatag na loob at positibong pananaw.




Ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng ating nakaraanโ€”ito ay responsibilidad nating ipagpatuloy araw-araw. Nawa'y maging...
11/06/2026

Ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng ating nakaraanโ€”ito ay responsibilidad nating ipagpatuloy araw-araw. Nawa'y maging gabay ito sa lahat ng nasa serbisyong publiko.

Sa bawat tamang gawa, sa bawat pagtutulungan, at sa bawat pangarap na ating pinagsisikapang maabot, ipinapakita natin ang tunay na diwa ng pagiging malayang Pilipino.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿด ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐˜‡๐—ฒ๐—ป! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ


NASA BARANGAYAN sa Quizumbing!Mas malapit na serbisyo, mas mabilis na aksyon, at mas maraming pamilyang napagsisilbihan....
11/06/2026

NASA BARANGAYAN sa Quizumbing!

Mas malapit na serbisyo, mas mabilis na aksyon, at mas maraming pamilyang napagsisilbihan. Dahil ang TAMANG SERBISYO, sa barangay mismo dinadala.

๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†!   school supplies narito na muli! AY 2026-2027Taon-taon, isa ito sa mga serbisyong buong ...
09/06/2026

๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†! school supplies narito na muli! AY 2026-2027

Taon-taon, isa ito sa mga serbisyong buong puso nating ipinagpapatuloy para sa ating mga kabataan at mga magulang. ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿง‘

Dahil naniniwala tayo na kapag handa ang isang bata sa pagpasok sa paaralan, mas handa rin siyang abutin ang kanyang mga pangarap. ๐Ÿ™Œ

Patuloy tayong magbibigay ng tamang gamit para sa tagumpay ng bawat batang Calacazen.๐Ÿงก๐Ÿงก๐Ÿงก

Abangan ang schedule sa inyong mga paaralan!


Sa Salong, tuloy ang sulong ng pangarap ng ating mga kabataan!๐ŸงกIsang mahalagang hakbang ang ating nasaksihan sa Groundbr...
04/06/2026

Sa Salong, tuloy ang sulong ng pangarap ng ating mga kabataan!๐Ÿงก

Isang mahalagang hakbang ang ating nasaksihan sa Groundbreaking ng Salong Integrated Schoolโ€”isang proyektong maglalapit ng mas kumpleto at mas naaabot na edukasyon para sa ating mga mag-aaral. ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿง‘

Sa pamamagitan ng isang integrated school, mas magiging tuloy-tuloy ang pag-aaral ng ating mga kabataan sa loob ng iisang paaralan at komunidad, mula sa mga unang hakbang ng pag-aaral hanggang sa paghahanda para sa kolehiyo, trabaho, o pagnenegosyo.

Mas kaunting oras sa biyahe, mas maraming oras sa pag-aaral, at mas magaan para sa ating mga magulang. Higit sa lahat, mas maraming kabataang Calacazen ang mabibigyan ng pagkakataong mangarap at magtagumpay.๐Ÿ‘ฉโ€๐ŸŽ“๐Ÿง‘โ€๐ŸŽ“

Patuloy nating itinatayo hindi lamang ang mga gusali, kundi ang mga pangarap at kinabukasan ng susunod na henerasyon.




Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa Brigada Eskwela 2026!Nakakatuwang makita ang ating mga g**o, magulang, volunteer...
01/06/2026

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa Brigada Eskwela 2026!

Nakakatuwang makita ang ating mga g**o, magulang, volunteers, at mga partner na sama-samang naghahanda ng ating mga paaralan para sa panibagong taon ng pag-aaral. [AY 2026-2027] ๐Ÿงน๐Ÿช‘๐Ÿ“š๐Ÿ—„๏ธ๐Ÿ“‹๐Ÿ—‘๏ธ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿง‘โ€๐Ÿซ

Sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis, pagkukumpuni, at pagpapaganda ng ating mga paaralan, tayo ay nag-aambag sa paglikha ng ligtas, maayos, at makabuluhang kapaligiran para sa bawat mag-aaral. Ang bawat oras, pawis, at tulong na inyong ibinahagi ay patunay ng pagmamalasakit natin sa ating mga kabataan.

Kapag nagkakaisa ang komunidad, mas handa ang paaralan at mas maliwanag ang kinabukasan ng bawat batang Calacazen. ๐Ÿ™‹โ€โ™€๏ธ๐Ÿ™‹

Maraming salamat, at mabuhay ang diwa ng bayanihan! ๐Ÿงก


Sa pagdiriwang ng Eid al-Adha, taos-puso kong binabati ang ating mga kapatid na Muslim ng isang mapayapa at makabuluhang...
26/05/2026

Sa pagdiriwang ng Eid al-Adha, taos-puso kong binabati ang ating mga kapatid na Muslim ng isang mapayapa at makabuluhang Eid Mubarak! ๐ŸŒ™โœจ

Nawaโ€™y maging gabay ang diwa ng sakripisyo, pananampalataya, at malasakit sa patuloy nating pagkakaisa bilang isang sambayanan. ๐Ÿงก

Address

Calaca City Hall
Calaca
4212

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Nas Ona posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share