03/06/2026
๐ข๐ฆ๐ฌ ๐จ๐ฝ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐บ๐ฒ ๐ฉ๐ถ๐๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป
Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), nagsagawa ng updating at validation ng mga Out-of-School Youth (OSY) members sa komunidad. Bahagi rin ng isinagawang aktibidad ang home visitation sa ilang kabataang kabilang sa target beneficiaries upang masuri ang kanilang kasalukuyang kalagayan at maipabatid ang mga programang maaaring makatulong sa kanilang pag-unlad.
Kasabay nito, hinikayat ang mga kwalipikadong kabataan na magpatala sa Alternative Learning System (ALS) bilang pagkakataon upang maipagpatuloy ang kanilang edukasyon at mapalawak ang kanilang kakayahan tungo sa mas maayos na kinabukasan.
Patuloy na nagsisikap ang Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng CSWDO at mga katuwang na ahensya, na maabot at mabigyan ng kaukulang serbisyo ang bawat kabataang nangangailangan.