Municipality of Cajidiocan Public Information Office

Municipality of Cajidiocan Public Information Office This is the Official page of the Public Information Office of LGU Cajidiocan
(4)

03/06/2026
β€Žπ—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Sa pangunguna ng ating bagong itinalagang MNAO, Ma'am Arne R. Rodeo, kasama ang PMNP Technical Manager na si M...
03/06/2026

β€Žπ—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Sa pangunguna ng ating bagong itinalagang MNAO, Ma'am Arne R. Rodeo, kasama ang PMNP Technical Manager na si Ma'am Aizielle Jane R. Gregorio at mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa bawat barangay, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi sa ilalim ng PMNP Wet Ration Food Feeding Program 2026, na naglalayong suportahan at mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga bata sa ating bayan.
β€Ž
β€ŽSa loob ng dalawang araw na implementasyon ng programa, umabot sa 200 wet ration food packs ang naipamahagi sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na matugunan ang pangangailangang nutrisyonal ng mga batang Cajidiocanon.
β€Ž
β€ŽSa patuloy na suporta ng ating butihing Mayor Atty. Marvin R. Ramos, nananatiling isa sa mga prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ang pagpapalakas ng mga programang pangnutrisyon upang matiyak na ang bawat bata ay lumalaking malusog, aktibo, at handang maabot ang kanilang mga pangarap.
β€Ž
β€ŽTaos-puso rin ang pasasalamat sa mga opisyal ng barangay sa kanilang pakikiisa at suporta sa pagpapatupad ng programa, gayundin sa mga magulang na patuloy na nakikipagtulungan para sa kapakanan at mas magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.
β€Ž
β€ŽSa sama-samang pagkilos at pagtutulungan, patuloy nating binubuo ang isang mas malusog, mas masigla, at mas maunlad na kinabukasan para sa bawat batang Cajidiocanon.
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Bumisita ang DPWH Regional Office sa bayan ng Cajidiocan sa ilalim ng pamumuno ni DPWH Mimaropa Regional Direct...
03/06/2026

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Bumisita ang DPWH Regional Office sa bayan ng Cajidiocan sa ilalim ng pamumuno ni DPWH Mimaropa Regional Director Engr. Rosita A. Tinawin.

π‚π€π‰πˆπƒπˆπŽπ‚π€π, π‘πŽπŒππ‹πŽπ  β€” Nagsagawa ang Public Employment Service Office (PESO) Cajidiocan, sa pangunguna ni PESO Manager A...
02/06/2026

π‚π€π‰πˆπƒπˆπŽπ‚π€π, π‘πŽπŒππ‹πŽπ β€” Nagsagawa ang Public Employment Service Office (PESO) Cajidiocan, sa pangunguna ni PESO Manager Angelie B. Villanueva, ng monitoring activity sa mga benepisyaryo ng DOLE TUPAD Program sa mga barangay ng Marigondon, Cantagda, at Danao.

Layunin ng naturang aktibidad na tiyakin na ang lahat ng benepisyaryo ay nakasunod sa mga itinakdang alituntunin ng programa at matagumpay na natapos ang kanilang mga nakatalagang gawain bago ang kanilang pagtatapos sa TUPAD Program.

Patuloy na isinasagawa ng Cajidiocan RHU ang kanilang buwanang serbisyong medikal tulad ng pagbabakuna, pre-natal check-...
02/06/2026

Patuloy na isinasagawa ng Cajidiocan RHU ang kanilang buwanang serbisyong medikal tulad ng pagbabakuna, pre-natal check-up, pamamahagi ng gamot, Operation Timbang Plus sa pakikipagtulungan sa mga Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers, at Feeding Program ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) para sa kapakanan ng mga bata sa bawat barangay.

Ngayong araw, isinagawa sa Barangay Danao ni Midwife Fely San Pascual ang health monitoring at pagbibigay ng kaukulang serbisyong pangkalusugan sa mga bagong silang na sanggol at mga bata.

Kabuuang 50 bata ang nabigyan ng serbisyong medikal sa nasabing aktibidad na isang mahalagang hakbang ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Marvin Ramos upang mapanatili ang kalusugan ng bawat lalo ngayong panahon ng tag-ulan na uso ang mga sakit na maaaring makuha ng mga bata.


π‚π€π‰πˆπƒπˆπŽπ‚π€π, π‘πŽπŒππ‹πŽπ β€” Sinusulong ngayon na palakasin pa ang kampanya para sa modernong pananalapi sa pamamagitan ng orye...
01/06/2026

π‚π€π‰πˆπƒπˆπŽπ‚π€π, π‘πŽπŒππ‹πŽπ β€” Sinusulong ngayon na palakasin pa ang kampanya para sa modernong pananalapi sa pamamagitan ng oryentasyon ukol sa Digital Payment Adoption via QRPh para sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng lokal na pamahalaan ng Cajidiocan, katuwang ang DSWD at NetBank Romblon.

Pinangunahan nina Product Innovation Manager EJ Rodrigo at Ma'am Junaline Tornea ng NetBank, kasama si DSWD Project Development Officer Ma'am Charice F. Gadon ang talakayan na naglalayong palawakin ang financial inclusion sa bayan.

Sa pamamagitan ng QRPh na mahigpit na pinangangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mapataas ang benta ng mga lokal na merchant at mas maiwasan pa ang risko sa paghawak ng pisikal na pera para sa mas ligtas at mabilis na pagnenegosyo.



β€Žπ—Ÿπ—’π—’π—ž: An Orientation on the PMNP Wet Ration Food Feeding Program 2026 was conducted today in Cajidiocan for the Baranga...
01/06/2026

β€Žπ—Ÿπ—’π—’π—ž: An Orientation on the PMNP Wet Ration Food Feeding Program 2026 was conducted today in Cajidiocan for the Barangay Nutrition Scholars (BNS) with the support of Municipal Mayor Atty. Marvin Ramos.
β€Ž
β€ŽThe activity was led by PMNP Technical Manager Aizielle Jane Gregorio together with MNAO Arnie Rodeo, and focused on providing important guidelines and updates on the proper implementation of the feeding program in the municipality.
β€Ž
β€ŽThe orientation was attended by the Barangay Nutrition Scholars of Cajidiocan, who play a vital role in the delivery of nutrition related programs and services in their respective communities.
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

The following services will be offered during PRC Mobile Services in Romblon Service Hub located at 2nd floor Municipal ...
01/06/2026

The following services will be offered during PRC Mobile Services in Romblon Service Hub located at 2nd floor Municipal Engineering Office Poblacion, San Agustin, Romblon on July 8-9, 2026:
1. Application for Licensure Examination for:
a. Professional Teachers.
2. Initial Registration of successful examinees who have duly attended the oathtaking.
3. Renewal and Duplicate of Professional Identification Cards (PICs)
4. Certification of Rating, Passing and Good Standing
5. Authentication of Rating, Passing, PIC and Certificate of Registration.

Important Notice for PRC Clients:
● Appointments must be made through online.prc.gov.ph. Only clients with confirmed appointments will be accommodated.
● For LERIS-related concerns, log a request for assistance at crms.prc.gov.ph. You may retrieve your ticket for response within 72 hours.
● For concerns regarding non-availability of slots, kindly email [email protected] for further guidance.

𝗕π—₯π—œπ—šπ—”π——π—” π—˜π—¦π—žπ—ͺπ—˜π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π— π—šπ—” 𝗣𝗔𝗔π—₯π—”π—Ÿπ—”π—‘, 𝗨𝗠𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—žπ—”π——π—” 𝗑𝗔Opisyal nang sinimulan ngayong umaga ang Brigada Eskwela 2026 sa mga paar...
01/06/2026

𝗕π—₯π—œπ—šπ—”π——π—” π—˜π—¦π—žπ—ͺπ—˜π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π— π—šπ—” 𝗣𝗔𝗔π—₯π—”π—Ÿπ—”π—‘, 𝗨𝗠𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—žπ—”π——π—” 𝗑𝗔

Opisyal nang sinimulan ngayong umaga ang Brigada Eskwela 2026 sa mga paaralan sa bayan ng Cajidiocan na tatagal hanggang Biyernes, kasabay ng enrollment ng mga mag-aaral.

Ang Brigada Eskwela ay ang taunang programa ng Department of Education (DepED) na naglalayong ihanda ang mga pampublikong paaralan bago magsimula ang bagong klase. Ang tema ngayong taon ay "Bayanihan sa paaralan: nagkakaisa para sa kaayusan at kaalaman" na naglalayong hikayatin ang pamayanan na makiisa hindi lamang sa paglilinis ang paaralan; kundi sa paghahanda rin na magbigay ng de-kalidad na edukasyon sa tulong ng buong komunidad.

Ipinaabot naman ng mga g**o ang kanilang pasasalamat sa lahat ng boluntaryong nakilahok at nagpaabot ng tulong para maisaayos ang mga silid aralan at ng buong pasilidad ng paaralan.
Magsisimula ang pasukan sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa sa Lunes, Hunyo 8.


𝗣𝗔𝗑𝗔π—ͺπ—”π—šπ—”π—‘: π—‘π—”π—žπ—œπ—§π—”π—‘π—š π—–π—˜π—Ÿπ—Ÿπ—£π—›π—’π—‘π—˜β€‹May nakita pong cellphone (Realme 6i, kulay Blue Soda) noong nakaraang Mayo 28, 2026, sa p...
01/06/2026

𝗣𝗔𝗑𝗔π—ͺπ—”π—šπ—”π—‘: π—‘π—”π—žπ—œπ—§π—”π—‘π—š π—–π—˜π—Ÿπ—Ÿπ—£π—›π—’π—‘π—˜

​May nakita pong cellphone (Realme 6i, kulay Blue Soda) noong nakaraang Mayo 28, 2026, sa pagitan ng 10:00 AM hanggang 11:00 AM. Nakita ito sa tapat ng tirahan nina Paeng Cortez.

​Kung sinuman po ang may-ari o may alam kung kanino ito, maaari po kayong makipag-ugnayan sa amin upang maibalik ito nang maayos. Maraming salamat!

Address

Sta. Barbara Street Corner A. Bonifacio St. , Barangay Poblacion, Romblon
Cajidiocan
5512

Telephone

+63427120807

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Cajidiocan Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipality of Cajidiocan Public Information Office:

Share