25/10/2023
10.25.2023 | Sibuyan CSC
Ginanap ngayong araw sa conference hall ng Bagong Municipal Building ng LGU San Fernando, Romblon ang implementasyon ng proyektong indicative mapping ng apat na Ancestral Domain na nasasakupan ng isla ng Sibuyan. Ang (1)Magdiwang AD (Agutay, Dulangan, Jao-asan, at Tampayan); (2) Azagra, Canjalon, at Otod; (3) Panangcalan; at (4) Agtiwa San Fernando Romblon.
Tinalakay ni Engr. III - Christina Joyce Bachini mula sa NCIP regional office kung paano at layunin ng aktibidad. Siya din ang nag marka ng mga ADs ayon sa mga impormasyon at nalalaman ng mga IP Leaders.
Nagpapasalamat ang mga Sibuyan Mangyan Tagabukid sa NCIP sa napaka importanteng proyekto at aktibidad na ito.
Nais namang ipaabot ng mga kawani ng Sibuyan CSC ang taos pusong pasasalamat kay Hon. Mayor Dr. Nenette Tansingco sa akomodasyon at pagpayag na magamit ang kanilang conference hall at iba pang mga pangangailangan para sa mahalagang aktibidad na ito.