22/11/2017
Mga tulang may hugot? Like :)
Panimula
Muli kong uumpisahan,
storyang tila nasa katapusan.
Panibagong talata sa isang pahina,
kung saan ang huling salita ay mag-uumpisa sa isang bagong kabanata.
Uumpisahan ko ito sa mga masasakit na memoryang natamo,
dala ng kahapon na ang dulot ay pagdurugo ng puso kong bigo.
Muli akong tatayo mula sa k**a ko,
magpapatuyong muli ng mga unang nabasa ng luhang dulot mo.
Maglalakad na akong muli,
sa kalawakan kung saan ko ito inumpisahan.
Uupo sa isang sulok at muling hahanapin ang aking sarili.
pagmamasdan ang kalangitan hanggang sa ako ay matauhan.
Sisimulan ko itong muli,
mga panibagong salita.
Kung saan di ko na mababalikan ang huli,
gagawa akong muli ng mga bagong kabanata.
Bagong tagpo ng aking buhay,
muling gagawa upang mawala ang mga latay.
Sugat ng kahapo'y akin ng bibitawan,
kasabay ng paglalakad ko sa ilalim ng kalangitan.
Ito na ang bagong yugto,
buhay kong nanatili sayo.
Isusulat kong muli ang bagong tula,
na tungkol naman sa muling pagsisimula.
Muli kong uumpisahan,
salitang tila hindi nauubusan.
Mga sakit, bigo't paghihinagpis,
akin ng aalisin ang mga kargada ng dibdib na tila lumilitis.
Heto na ang panibagong araw,
muli ko ng masisilayan ang bahaghari sa kalangitan.
Mawawala na ang aking uhaw,
sa muling paglakad ko sa kawalan.
Heto na ang panimula,
mula sa paggiging baliw sa kanya.
Maaaring ito na ang simula,
kwentong natapos na sa simula.
Simulang walang wakas,
sinimulan ngunit hinding hindi nagwawakas.
Huling salita para sa panimula,
at muling magsisimula ng isang masayang kabanata.
11/21/17 1:00Am