29/08/2026
Matagumpay na naisagawa ang Amazing Race 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fiesta ng Barangay San Roque para sa ating mga kabataan.
Matapos ang masaya at kapanapanabik na paligsahan, nagsalo-salo naman ang lahat sa isang Boodle Fight sa Fuente, na naging daan upang mas mapagtibay ang samahan at pagkakaisa ng bawat kalahok.
Nagkaroon din tayo ng 3x3 Basketball Tournament sa DM at Corinthian.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa Samahang PILAK sa kanilang malaking tulong at suporta sa mga programang ito. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa DMYC, BCV at Tropang Corinthian sa kanilang oras, pagsisikap, at pag-asikaso upang maging maayos at matagumpay ang ating 3x3 Basketball Tournament.
Malaki rin ang aming pasasalamat sa Old School Clo. sa kanilang sponsorship at suporta.
Maraming salamat din sa lahat ng kabataang nakiisa, sa ating mga volunteers, at sa buong komunidad na tumulong upang maisakatuparan ang mga aktibidad na ito.
Mabuhay ang Kabataang San Roque! 💙🏃♂️🏃♀️🏀🍽️🎉