01/06/2026
Isang taon ng paglilingkod, isang araw ng pagmamahal 💛✨
Sa pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo, muling pinatunayan ng Cainta Breakfast Club under Victory Cainta na ang tunay na sukatan ng tagumpay ay ang bilang ng mga pusong naabot at napasaya 🫶
Mula sa masayang kwentuhan, mga palaro, awitan, sayawan, at mga espesyal na pagtatanghal, bawat sandali ay naging pagkakataon upang ipadama sa ating mga nanay at tatay na sila ay mahalaga, pinahahalagahan, at hindi nakakalimutan 😊
Hindi lamang pagkain, regalo, at mga programa ang kanilang ibinahagi. Higit sa lahat, ibinahagi nila ang kanilang oras, presensya, at pagmamahal. Ang 30 minutong pakikipagkwentuhan at pakikisalamuha sa bawat elder ay naging paalala na minsan, ang pinakamahalagang maibibigay natin ay ang ating oras at pakikinig ❤️
Maraming salamat sa Cainta Breakfast Club under Victory Cainta sa inyong patuloy na malasakit at paglilingkod. Nawa’y patuloy kayong maging instrumento ng pag-asa at pagpapala sa mas marami pang buhay.
Happy 1st Anniversary! 🎉
Ang pagmamahal na ibinabahagi ninyo ngayon ay tiyak na mag-iiwan ng ngiti at alaalang mananatili sa puso ng aming mga lolos at lolas sa mahabang panahon. 💛