02/03/2026
💜 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗶𝗵𝗮𝗻, 𝗖𝗮𝗶𝗻𝘁𝗮!💜
Ngayong buwan ng Marso 2026, sama-sama nating ipinagdiriwang ang National Women’s Month na may temang “Lead like the Babaylans, Filipinas!” — isang pagpupugay sa lakas, talino, at pamumuno ng bawat kababaihan sa ating bayan.
Sa pangunguna ng ating lokal na pamahalaan, inihanda ang iba’t ibang makabuluhang gawain tulad ng:
✨ Women’s Month Kick-Off
✨ Medical Mission na isasagawa sa Cainta Convention Center (tingnan Ang detalye sa larawan sa ibaba).
✨ Mga orientation ukol sa teenage pregnancy, trafficking in persons, anti-bullying at VAWC
✨ Livelihood activities
✨ At iba pang programang nagbibigay kaalaman at oportunidad sa ating mga kababaihan at komunidad
Taos-puso po tayong nagpapasalamat kay Mayor Kit Nieto sa kanyang buong pusong suporta at malasakit sa mga programang nagbibigay halaga at proteksyon sa kababaihan ng Cainta.
Lubos din ang ating pasasalamat sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ace Servillon, sa patuloy na pakikiisa at pagsusulong ng mga polisiya at programang makakatulong sa kapakanan ng bawat Cainteña.
Sa lahat ng kababaihan ng Cainta — kayo ang tunay na lakas ng ating komunidad. Patuloy tayong manguna, magbigay inspirasyon, at magsilbing ilaw ng pag-asa para sa susunod na henerasyon.
💜𝘔𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘪𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘊𝘢𝘪𝘯𝘵𝘦𝘯̃𝘢!
💜 𝘖𝘯𝘦 𝘊𝘢𝘪𝘯𝘵𝘢, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘪𝘩𝘢𝘯!
📸 One Cainta FB