30/06/2023
C R I S T I N A
Written by: Jane
CHAPTER 16
Ilang buwan nang nakalipas at palagi nalang wala sa sarili si Dina, lage rin siyang napapagalitan ng kaniyang ama lalo na kapag ito ay lasing. Palaging ibinabalik ng kaniyang ama ang lahat ng ginawa niya at araw araw itong sinusumbat sa kaniya
Wala namang magawa si Dina kundi ang mag tiis dahil bukod sa wala siyang trabaho Na mapapasukan ay wala rin siyang ibang mapupuntahan, hindi noon palakaibigan si Dina dahil masyadong mahigpit ang kaniyang mga magulang sa kaniya at lage lang siyang nasa bahay kaya naman ay wala siyang kaibigang masasandalan.
Dumating ang araw ng kapanganakan niya at dahil kapos sila noon ay sa kanilang bahay lang siya nanganak
“Lalaki” Ani ng matandang nagpaanak Kay Dina habang naka ngiti ito
Walang ganang iniwas ni Dina ang tingin sa batang iniluwal niya
“Anong pangalan niya anak?” tanong ng ina ni Dina
“Toni” matabang Na sagot ni Dina
Agad namang binihisan ni Nilda ang apo pagkatapos ay tinawag si Tina
“Tina? Halika muna dito” tawag ni Nilda sa apo. Lumapit naman si Tina at pinag masdan ang kaniyang kapatid Na natutulog, napangiti nalang siya sa tuwa dahil sa wakas ay pakiramdam niya hindi Na siya nag-iisa
__________
2 YEARS LATER
“HAPPY NEW YEAR!!!!!” Sabay sabay Na sigaw ng buong pamilya ni Dina at sama sama nilang sinalubong ang bagong taon
“wow! Ang ganda!” sabay Na sigaw Nina Mae at Jun Na manghang-mangha sa fireworks mula sa di kalayuan, habang naka ngiti lang Na pinagmasdan ni Tina ang kalangitan dahil bukod sa fireworks ay marami ring mga bituin roon
“Bituwin” mahinang sambit ni Tina sa kawalan habang naka ngiti
Masayang- masaya ang buong pamilya ng gabing iyon at sabay sabay rin nilang pinag saluhan ang munting handa nila sa mesa
Lumipas ang mga buwan at bumalik na naman sa dati ang buhay ni Dina Na palagi lang wala sa sarili dahil palagi Na naman siyang pinapagalitan ng ama
Kaya napag pasyahan ni Dina na lumayas at isinama niya rin ang kaniyang dalawang anak Na si Tina at Toni, balak niya ihatid ang dalawa sa kanilang ama at iwan sila doon
Ang akala ni Dina ay mamahalin ng kaniyang asawa ang kanilang mga anak ngunit kabaliktaran pala ang mangyayari at wala siyang kaalam-alam sa sasapitin ng kaniyang mga anak roon sa k**ay ng kanilang ama
-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš