04/09/2026
Alinsunod sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na magbigay ng regular na updates sa sambayanan, nais naming ibahagi ang ikalawang Ulat ng Ahensya ng Kalusugan mula mismo sa ating Kalihim Dr. Edwin M. Mercado.
Bahagi ito ng Unified National Agenda for Health o UNA para sa Kalusugan, katuwang ang PhilHealth, na naglalayong maihatid ang serbisyong pangkalusugan na Mabilis, Patas, at Mapagkakatiwalaan.
Sa ulat ngayong linggo, ating pagtutuunan ng pansin ang mga tinaguriang W.I.L.D. Diseases na karaniwang mas lumalaganap tuwing may mga pag-ulan at pagbaha, gaya ng mga naranasan nitong mga nakaraang linggo.
Magtulungan tayo at makiisa sa pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan.