03/06/2026
π ππππ¬ππ‘πππ | π« Mula kakaw hanggang de-kalidad na produktong tsokolate!
Nagsagawa ang Technology Transfer Section ng Science and Technology Services Division ng Ministry of Science and Technology-BARMM (MOST-BARMM) ng Technology Transfer Training on Chocolate Processing para sa mga miyembro ng Kamapiyaan sa Tagoranao Marketing Cooperative sa Marawi City.
Sa pagsasanay, natutunan ng mga kalahok ang tamang paggamit at pamamahala ng chocolate processing equipment sa pamamagitan ng mga lecture at hands-on activities. Layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kooperatiba sa pagproseso ng tsokolate bilang suporta sa pagpapaunlad ng mga lokal na negosyo.
Sa pamamagitan ng agham, teknolohiya, at inobasyon, mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na negosyo na mapahusay ang kanilang mga produkto at kabuhayan.