16/09/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐; ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos maiulat sa 24 Oras ang insidente kung saan isang menor de edad ang nasagaan ng isang SUV at kalaunan ay nasawi sa Victorino St. malapit sa Pinagbuhatan Arch, Pasig City noong Setyembre 10, 2026.
Batay sa incident report, bandang alas-singko ng hapon nang masangkot sa insidente ang naturang SUV habang minamaneho sa nasabing lugar. Ayon sa ulat, habang tumatawid ang menor de edad, tinamaan ito ng kanang bahagi ng harapan ng sasakyan at tuluyang nasagasaan ng harap at likurang gulong nito.
Agad na isinugod ang biktima sa Prime Hospital para sa kaukulang atensyong medikal. Gayunman, idineklara itong dead on arrival.
Kaugnay nito, nag-isyu ang LTO ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at itinalagang driver ng naturang SUV at inatasan silang humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO East Avenue sa Setyembre 22, 2026, upang magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag at mga kaukulang dokumento kaugnay ng insidente.
Kabilang sa mga paglabag na tinukoy sa SCO ang Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle, bukod pa sa iba pang pananagutan na maaaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Samantala, isasailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driverโs license ng sangkot na drayber at inatasan siyang agad na isuko ito sa IID.
Inilagay na rin sa alarm ang naturang SUV at driverโs license habang nagpapatuloy ang kaukulang proseso at imbestigasyon ng ahensya.
โSa bawat pagmamaneho, mahalagang siguraduhin muna nating malinaw ang ating dadaanan bago umandar, lalo na sa mga lugar na maraming tao, at kailangang suriing mabuti ang paligid upang tiyaking walang pedestrian o batang maaaring malagay sa panganib. Mahalaga rin ang paggabay ng mga magulang upang hindi hayaang mag-isa ang mga bata sa kalsada. Sa simpleng pag-iingat at responsableng pagmamaneho, maiiwasan natin ang mga aksidenteng maaaring magkaroon ng mabigat na kahihinatnan,โ ayon kay Asec. Lacanilao.
Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na laging pairalin ang dobleng pag-iingat, disiplina, at responsableng pagmamaneho upang maiwasan ang mga ganitong insidente. Kasabay nito, hinihikayat ang publiko na maging maingat sa paggamit ng kalsada at tiyaking ligtas ang mga bata at iba pang pedestrian sa tuwing tatawid o nasa paligid ng mga lansangan. Sa sama-samang pag-iingat at pagsunod sa mga alituntunin, makatutulong ang bawat isa sa pagpapanatili ng ligtas na kalsada para sa lahat.