05/05/2026
Tuloy-Tuloy ang Pangarap: Jobstarters 2026 Graduates Na!
Isang pangarap na sinimulan sa simpleng hakbang ay naging tagumpay dahil sa sipag, tiyaga, at dedikasyon. Sa bawat araw ng pagsasanay, ipinakita ninyo na ang pangarap ay nakakamit kapag pinaghihirapan at pinaninindigan.
“Success is not just about reaching the finish line, but about the courage to continue the journey even when the path is challenging.”
Malugod naming binabati ang mga nagsipagtapos sa Graduation of Jobstarters 2026, patunay ng inyong journey at dedication tungo sa mas magandang kinabukasan.
Lubos ang aming pasasalamat sa PESO Management, Centro Mall Management, at sa DOLE–Laguna Provincial Office sa kanilang patuloy na suporta at pakikiisa upang maging matagumpay ang programang ito. Isang espesyal na pagkilala rin kay Dr. Maria Teresa David sa kanyang inspirasyon at dedikasyon sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng oportunidad at pag-asa sa ating mga kababayan.
Sa pamamagitan ng IHELP Program (Inspiration, Help, Employment, Livelihood, and Partnership), patuloy nating binibigyan ng oportunidad ang ating mga kababayan upang matuto, umunlad, at maabot ang kanilang mga pangarap. Sama-sama, tuloy-tuloy ang pag-angat tungo sa tagumpay!