25/04/2026
| SEMINAR ON INTEGRATED PEST MANAGEMENT FOR LOWLAND VEGETABLES, FRUIT TREES, AND RICE
Mahigit 100 magsasaka ang nakiisa sa ginanap na Seminar on Integrated Pest Management (IPM) for Lowland Vegetables, Fruit Trees, and Rice kahapon (Abril 24, 2026) sa DepEd Clubhouse, Brgy. Banay-Banay, Cabuyao, Laguna. Karamihan sa mga dumalong magsasaka ay miyembro ng mga sumusunod na samahan: Samahang Maggugulay at Magmamais ng Cabuyao; Marinig Group of Rice, Fruits, and Vegetables Farmers Association; Samahang Magsasaka ng Brgy. Bigaa; Cabuyao Agriculture and Fishery Multi-Purpose Cooperative; Cabuyao Vegetables, Ornamentals, and Mushroom Producers Association; at Samahang Magsasaka ng Brgy. Gulod at Brgy. San Isidro.
Layunin ng seminar na mapalawak ang kaalaman ng ating mga magsasaka hinggil sa iba’t ibang makabagong pamamaraan ng Integrated Pest Management upang mas epektibong mapangalagaan ang kanilang pananim, mabawasan ang pinsala ng peste, at mapataas ang ani sa ligtas at sustenableng paraan.
Nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at teknikal na gabay ang ating resource speakers mula sa DA-Calabarzon Regional Crop Protection Center na sina Luisa Mae Dinglasan, RAgr, Maricon Amparo, RAgr, Maria Cleofe Buendia, RAgr, at Sierralyn Sandoval, RAgr.
Patuloy ang Bagong Cabuyao sa pagsusulong ng mga programang magbibigay suporta, kaalaman, at oportunidad sa ating mga magsasaka tungo sa mas maunlad at matatag na sektor ng agrikultura. 🌱