CCLDO Cabuyao

CCLDO Cabuyao The official page of the City Cooperative and Livelihood Development Office of the City Government of Cabuyao

Murang bilihin at masarap na pagkain ang handog sa atin ng CABSTOP City Hall. Bisitahin at suportahan po natin ang lokal...
04/09/2026

Murang bilihin at masarap na pagkain ang handog sa atin ng CABSTOP City Hall.

Bisitahin at suportahan po natin ang lokal na maninindang Cabuyeño!







02/09/2026
MALILIIT NA NEGOSYO, PATULOY NA PINALALAKAS NG LGU CABUYAO SA PAGKAKALOOB NG LIBRENG BUSINESS PERMITMas pinadali at mas ...
02/09/2026

MALILIIT NA NEGOSYO, PATULOY NA PINALALAKAS NG LGU CABUYAO SA PAGKAKALOOB NG LIBRENG BUSINESS PERMIT

Mas pinadali at mas pinabilis ang pagnenegosyo para sa ating CABSTOP merchants at bagong micro entrepreneurs na napagkalooban ng LIBRENG BUSINESS PERMIT ng pamahalaang lungsod handog nina MAYOR Dennis DENHA Hain at ng buong sanggunian sa pamamagitan ng Cabuyao City Business Permit & Licensing Office.

Patunay ito na ang tunay at makabuluhang kaunlaran ay hindi lamang nasusukat sa pag-angat ng mga malalaking negosyo kundi sa bawat maliit na negosyong nabibigyan ng pagkakataong umunlad.







Sa paggunita natin sa ating mga bayani, ipagpatuloy natin ang kanilang busilak na adhikaing maglingkod nang tapat, walan...
31/08/2026

Sa paggunita natin sa ating mga bayani, ipagpatuloy natin ang kanilang busilak na adhikaing maglingkod nang tapat, walang pag-iimbot, at walang hinihintay na kapalit.

Maligayang Araw ng mga Bayani!

28/08/2026

Kabataang Cabuyeño, katuwang ninyo ang lokal na gobyerno sa pagsisimula ng inyong sariling negosyo, sa pagtupad ng inyong mga mithii’t pangarap, at sa pagkamit ng pinakaaasam na tagumpay.

Cabuyao Youth And Sports Development Office
Negosyo Center Cabuyao City
Bagong Cabuyao CIO
MAYOR Dennis DENHA Hain










BAGONG HENERASYON NG CABUYAO YOUTHPRENEURS, TINUKLAS NGAYONG BUWAN NG KABATAANPatuloy ang pagpapalakas ng Pamahalaang Lu...
27/08/2026

BAGONG HENERASYON NG CABUYAO YOUTHPRENEURS, TINUKLAS NGAYONG BUWAN NG KABATAAN

Patuloy ang pagpapalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao, sa pangunguna ni MAYOR Dennis DENHA Hain at ng Sangguniang Panlungsod, sa pamamagitan ng Cabuyao Youth And Sports Development Office, Negosyo Center Cabuyao City, at CCLDO Cabuyao ng mga programang nakasentro sa youth development at economic empowerment.

Sa ginanap na BAGONG CABUYAO YOUTHPRENEUR FORUM 2026, pinalawak natin ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng mga kabataang Cabuyeño upang lumikha ng mga oportunidad sa negosyo’t kabuhayan at maging aktibong katuwang sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya.

Mula sa makabuluhang pagbabahagi ng mga mahuhusay na business leaders at entrepreneurs sa bansa tulad nina Donald Lim ng Dito CME Holdings Inc, Raffy Canare ng Canvela, Edmark Bustos ng Amare la cucina, Romeo Pascual, VJ Santos, at Jason Famador ng Master Garage Philippines, at Anna Isabelle Go ng But First, Coffee PH hanggang sa mentoring sessions ng ating local entrepreneurs na sina Robert James Delos Santos aka Diskarteng Basic ng Peppa Chicks, Jed Bella ng Mamang's Wood Fired Pizzeria, Oliver Hain ng Tropics Delight, Buena Bariring ng Da Buenas, Arlene Rivera ng Scentbox Fragrances, Sarah Jane Ramos ng Cabuyao Original Buko Roll Bakery, Marco Latayan ng FICO MANA : Self Portrait Studio, Jana Urriza at Beatrice Abelieto ng Arteza Chocolate, binigyang-inspirasyon at hinikayat natin ang mga kabataang kalahok na mangarap, magsimula, at lubos na matuto upang maging matagumpay sa buhay.

Tampok rin sa nasabing aktibidades ang iba’t-ibang local products gayundin ang mga local youth merchants tulad nina Cafe Fino, Chikito’s Flavored Fried Chicken, Sisig ni Mang Kanor, Street Bites Eyy, at Espresso Point.










KABATAANG CABUYEÑO, HINUHUBOG BILANG SUSUNOD NA ENTREPRENEURSSa pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan, binigyang-halaga ng Pa...
25/08/2026

KABATAANG CABUYEÑO, HINUHUBOG BILANG SUSUNOD NA ENTREPRENEURS

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan, binigyang-halaga ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao ang kakayahan, kahusayan, at potensyal ng Kabataang Cabuyeño bilang mga innovators at changemakers sa ginanap na BAGONG CABUYAO YOUTHPRENEUR FORUM noong Agosto 22, 2026 sa Gabaldon Hall, Cabuyao Central School.

Sa pagtutulungan ng Cabuyao Youth And Sports Development Office, Negosyo Center Cabuyao City, at ng CCLDO Cabuyao, mahigit 200 kabataan, senior high school at college students, at aspiring young entrepreneurs ang nakinig, natuto, at nabigyan ng makabuluhang payo ng mga mahuhusay na business leaders, local entrepreneurs, at mentors.










Maraming salamat, Cabuyao Youth And Sports Development Office sa matagumpay na Bagong Cabuyao Youthpreneur Forum 2026. M...
24/08/2026

Maraming salamat, Cabuyao Youth And Sports Development Office sa matagumpay na Bagong Cabuyao Youthpreneur Forum 2026.

Maligayang Buwan ng Kabataan!

24/08/2026
21/08/2026

KABATAANG CABUYEÑO, READY KA NA BA?

Makinig.
Matuto.
Mag-negosyo.

Panahon na para umpisahan ang iyong entrep journey!

Kitakits sa BAGONG CABUYAO YOUTHPRENEUR FORUM handog ng Cabuyao Youth And Sports Development Office sa pakikipagtulungan ng CCLDO Cabuyao at Negosyo Center Cabuyao City!










Address

Cabuyao

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CCLDO Cabuyao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to CCLDO Cabuyao:

Shortcuts

Share