25/06/2024
MULTISECTORAL TREE PLANTING ACTIVITY IN CELEBRATION OF THE 2024 ENVIRONMENT MONTH AND PHILIPPINE ARBOR DAY
Theme: “OUR ENVIRONMENT, OUR FUTURE”
Ang buwan ng Hunyo ay ipinagdiriwang natin bilang ENVIRONMENT MONTH sa buong Pilipinas. Alinsunod ito sa Proklamasyon Blg 237 series of 1988 ng dating Pangulo Corazon C. Aquino. Ang temang “Our Environment, Our Future” ay hinalaw mula sa international theme ng World Environment Day – “Our Land. Our Future. We are .”
Bilang pagdiriwang ng Environment Month ay nagdaos ng tree planting activity ang Lungsod ng Cabuyao noong ika-21 ng Hunyo 2024 sa Barangay Carmen, Silang, Cavite. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Laguna AAA Water Corporation at Laguna Lake Development Authority at pakikipag-ugnayan sa PG-ENRO Cavite, MENRO Silang at Barangay Carmen. Nilahukan ito ng iba’t ibang sector na kasapi ng Cabuyao River Protection Advocates (CaRPA).
Ito ay nagpapaalala sa atin ng kahalagahan at ng koneksiyon o kaugnayan sa pagitan ng kalusugan ng ating planeta at kapakanan ng susunod na henerasyon. Ito ay isang panawagan sa atin upang sama-samang kumilos at gawin ang ating responsibilidad para sa ating Inang Kalikasan. Anumang simpleng gawain tulad ng pagtatanim ng puno, pagbabawas sa paggamit ng plastic, pagdadala ng sariling sisidlan sa pamamalengke, wastong pamamahala ng basura, pagtitipid sa ating mga resources tulad ng tubig, at pagsuporta sa mga makakalikasang gawain o green initiatives, lahat ng ito ay mahalaga, lahat ito ay makapag-aambag sa kagalingan at kapakanan ng ating kalikasan.
goes beyond its border!