31/10/2023
Maraming salamat sa lahat ng mga tumulong sa amin para sa aming mabuting hangarin para sa mga kabataan. Bagaman hindi umayon sa atin ang tadhana ay magpapatuloy pa rin tayo sa anumang hamon ng buhay.
Lagi nating pakatandaan na okay lang tayong matalo ang mahalaga ay nakibahagi tayo para sa pagbabago. Taas noo pa rin tayong magpapatuloy dahil lumaban tayo ng patas at hindi nanira ng kapwa natin.
Binabati namin ang mga bagong halal na lider ng Sangguniaang Kabataan ng San Isidro lalong lalo na kina Kristel Algire , Lance Delatorre at Princess Santos Villegas. Nawa'y ipagpatuloy ninyo ang ating nasimulan at magsilbi ng buong puso at may dangal. Kami ay sumusuporta sa inyo ❤️🤍
Ako po muli si Matrix Phol T. Saludez, patuloy pa ring saSALUDo sa tapat na serbisyo at tutulong sa mga Kabataan ng San Isidro ❤️🤍