21/05/2026
PABATID PUBLIKO
Bilang bahagi ng pagpapanatili ng patas na presyo at proteksyon sa mamimili, nagpapatuloy ang price monitoring ng aming Tanggapan sa manok, baboy(karne) at itlog na isa sa mga pangunahing pangangailangan sa Bayan ng Cabiao.
Pinapaalalahanan ang publiko na agad ireport ang anumang hindi makatwirang pagtaas ng presyo o paglabag sa itinakdang presyo ng mga bilihin.
Ang inyong pakikiisa ay mahalaga upang mapanatiling abot-kaya ang mga bilihin para sa bawat Kabyawenyo