MSWDO - Cabiao

MSWDO - Cabiao Municipal Social Welfare and Development Office. The Official page of MSWDO-Cabiao

05/06/2026
05/06/2026
03/06/2026
03/06/2026
03/06/2026

💚💛𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌💚💛

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Lokal ng Cabiao sa edukasyon ng ating mga kabataang Kabyawenyo, isasagawa ang 𝗚𝗖𝗮𝘀𝗵 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗖𝗮𝗿𝗱 𝗜𝘀𝘀𝘂𝗮𝗻𝗰𝗲 para sa lahat ng Senior High School students ng mga pampublikong paaralan sa ating bayan sa darating na Hunyo 15–17, 2026.

Inaanyayahan ang mga mag-aaral na ihanda ang mga kinakailangang dokumento upang maging maayos at mabilis ang proseso ng pagkuha ng kanilang GCash account na gagamitin para sa Educational Financial Assistance Program.

📌 Mangyaring tingnan ang schedule ng inyong paaralan at ihanda ang mga kinakailangang requirements.

📌 Upang mapadali ang pagproseso ng GCash Blue Card, hinihiling na isumite ang sumusunod na impormasyon ng mga mag-aaral na may beripikadong (verified) GCash account:
• Pangalan ng mag-aaral na nakarehistro sa GCash
• Kapanganakan (Birthdate)
• Nakarehistrong GCash number ng mag-aaral

📌 Para naman sa mga mag-aaral na wala pang GCash account, mangyaring ihanda ang mga sumusunod na dokumento:
• School ID, Passport, o National ID
• PSA Birth Certificate o Birth Certificate

📌 Paalala na ang mga mag-aaral na may edad 7 hanggang 17 taong gulang ay kabilang sa GCash Junior Accounts, na hindi pa itinuturing na ganap na beripikado (fully verified). Upang ma-upgrade ito sa fully verified account, kinakailangang ihanda ang mga sumusunod:
• School ID, Passport, o National ID
• PSA Birth Certificate o Birth Certificate
• Larawan ng magulang na hawak ang ID ng anak

Ang inyong pakikipagtulungan sa pagkuha at pagsumite ng mga kinakailangang dokumento ay makatutulong upang maging maayos at matagumpay ang pagpapatupad ng programang ito.

Patuloy ang ating pamahalaan sa paghahatid ng mga programang magbibigay ng mas maraming oportunidad at suporta sa edukasyon ng bawat Kabyawenyo. 💚💛



Address

MSWD Office, Municipal Compound
Cabiao
3107

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWDO - Cabiao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share