Senior CITIZEN-San Fernando Sur Chapter

Senior CITIZEN-San Fernando Sur Chapter Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Senior CITIZEN-San Fernando Sur Chapter, Pensioners centre, San Fernando Sur, Cabiao.

08/09/2025

Magandang Araw!
Payout po ng mga SOCIAL PENSIONERS sa
September 12, 2025 (Friday)
8:00 AM
SFS Chapel Gym.

Dalin lamang po ang ID.

Maraming Salamat po!

27/06/2025

Pabatid po sa mga SOCIAL PENSIONERS na Senior Citizen ng Brgy. San Fernando Sur.
Maaari na po kayong magpasa ng 4 kopya ng photocopy/xerox ng inyong mga ID na may tigtatlong pirma. Pakipasa po kahit kanino man kina G. Lando Parungao, Gng. Bebe Peña o Gng. Matilde Navarro.
Maraming Salamat po.

29/04/2025

Pabatid po sa lahat ng “SOCIAL PENSIONER” na Senior Citizen sa San Fernando Sur. PAY OUT po ng April 30 (9:30 am) sa Chapel Gym po ng San Fernando Sur.

17/03/2025

Mga bagong baba na SENIOR ID, Pakikuha po kay Pangulo Lando Parungao
LUZ BAGSIC BUERRE
LUCILA JOSON DAYAO
JOVITA CARREON ALMOJERA
FRISCO VILLAMAYOR SANTIAGO
ERNESTO VILLAFLOR DAYOS
JORGE TANTIADO RUFILO
BENEDICTO PELAYO SIOSON
ELVIRA FERNANDO PELAYO
ANASTACIO LIMPIN SANTIAGO Jr.

15/03/2025

Sa lahat po ng Social Pensioners ng San Fernando Sur na pumepensyon kada buwan, Pakipasa na daw po kila Senior President Lando Parungao ang 3xerox copy ng inyong mga ID na may tig-tatlong pirma.

Salamat po at Magandang Araw sa lahat.

12/03/2025

Para po sa lahat ng Senior Citizen ng San Fdo. Sur na SOCIAL PENSIONERS. Mangyari lamang po na pakigayak na ang xerox ng inyong mga ID para sa payout. Tatlong kopya po ang kailangan na may tag-tatlong pirma. Kung representative naman po ang kukuha ay kailangan nyo rin po magpaxerox ng inyong ID. 3 kopya din po na may tag-tatlong pirma kasama ng authorization letter at 3kopya ng xerox ng ID ng Senior. Mag-aabiso po kami kung kailan ang araw at kung saan gagabapin ang pay out.
Maraming Salamat po at Isang Magandang Araw sa lahat.

2nd Batch- SENIOR CITIZEN - PAYOUTWhere : Sen. Freddie WEBB HALLDate : March 3, 2025 (Monday)Time : 8:00 AMSa mga may ka...
27/02/2025

2nd Batch- SENIOR CITIZEN - PAYOUT
Where : Sen. Freddie WEBB HALL
Date : March 3, 2025 (Monday)
Time : 8:00 AM

Sa mga may katanungan, mangyari lamang po na magmessage kay Gng. Leonida Peña at Gng. Matilde Navarro.
Maraming Salamat po at Magandang Araw sa lahat.

25/02/2025

Para po sa lahat ng SENIOR CITIZEN ng San Fernando Sur na eligible sa Expanded Centenarian Act (80, 85, 90, 95 years old) na nagpasa ng requirements sa pamunuan ng Senior ng Sur, pakikuha po ang mga pinasa nyo sa bahay ni G. Lando Parungao sa Purok 1 San Fernando Sur. May bago pong form na bumaba na kukuhanin sa tanggapan ng OSCA. At sa OSCA po nyo isusumite kasama ng mga requirements.

Maraming Salamat po at Magandang Araw sa lahat.

07/02/2025

Pasuyo po ulit sa mga SENIOR CITIZEN, may bago pong instruction ang OSCA. Pakikuha nyo po ulit yung kakabyak ng xerox ng ID nyo. Bale kailangan po ay hawak nyo na daw pareho yung parehong xerox pag nag-payout, kaya pakikuha nyo po ulit yung isa pa, para dalawa na ang hawak nyo.
✅Purok 1, 2, 3 - Sa bahay ni G. Lando Parungao
✅Purok 4, 5, 6 - Brgy. Hall (Bebe Peña)

Maraming Salamat po at Isang Magandang Araw sa lahat.

04/02/2025

Magandang Araw po! Para po sa lahat ng Senior Citizen. Ang isang kopya po ng ipinasa nyong xerox copy ng Senior ID ay pwede nyo na pong kunin. Ito po ay tinatakan ng OSCA at ito po ang isa sa ipepresent nyo sa payout. Para po sa tiga Purok 1, 2 at 3 po ay sa bahay ni Pangulo ng Senior Citizen na si G. Lando Parungao nyo kukunin ang kopya ng pinasang xerox ng ID
at ang Purok 4, 5 at 6 naman ay sa Brgy. Hall ng San Fdo. Sur kay Ate Bebe Peña. Maraming Salamat po.

01/08/2024

SOCIAL PENSIONERS 📣📣📣

Lahat po ng mga SOCPEN na Senior sa Barangay San Fernando Sur at Sitio St. Joseph. Kayo po ay malugod na inaanyayahan para sa isang pagpupulong na ilulunsad ng OSCA mula sa Regional Office.
Ang pulong po ay gaganapin sa Amada Subdivision Multi-Purpose Building, August 2 ( Biyernes) ganap na ika-9:00 ng umaga. May interview daw po na magaganap sa mga Social Pensioners. Pakisabihan po ang mga kilala nyong Social Pensioners.

Mahigpit pong inaasahan ang pagdalo ng lahat. Kung mayroon pong mga katanungan ay magtungo lamang sa Pangulo ng Senior ng SFS na si G. PEMPE TALENS at sa St. Joseph naman ay si G. Boy Feliciano.

Maraming Salamat po at isang magandang araw sa lahat.

24/05/2024

Magandang Araw sa lahat!
Sa mga edad 60 pataas po na nagnanais na sumapi sa samahan ng SENIOR CITIZEN-SFS CHAPTER, maaari na po kayong kumuha ng registration form sa Pangulo ng Senior Citizen na si G. Pempe S. Talens. Magtungo lamang po sa kanilang bahay at lahat po ng inyong mga katanungan patungkol sa samahan ay kaniyang tutugunan.
Maraming Salamat po!

Address

San Fernando Sur
Cabiao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Senior CITIZEN-San Fernando Sur Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share