01/06/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ญ ๐๐๐ฉ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฅ๐๐ฌ, ๐๐๐ ๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐ข๐๐ค-๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ โ Pormal nang binuksan ang Brigada Eskwela 2026 ngayong araw sa pamamagitan ng isang malawakan at makasaysayang Kick-Off Ceremony na ginanap sa Cabangan National High School.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Cabangan, sa pamumuno ni Mayor Ronald F. Apostol, sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) Zambales, na naglalayong ihanda at isaayos ang mga pampublikong paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng school year.
Naging sentro ng lalawigan ang naturang aktibidad dahil dinaluhan ito ng mga officials, mga magigiting na mga g**o, at delegates mula sa mga pampublikong paaralan sa buong distrito ng Subic hanggang Sta. Cruz, Zambales.
Ang malawak na partisipasyong ito ay nagpapakita ng matatag na koneksyon ng bawat komunidad upang masig**o ang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Ronald F. Apostol ang kahalagahan ng pagkakaisa at kolektibong pagkilos sa pagitan ng pamahalaan at ng komunidad upang maitawid ang mga pangarap ng kabataan, na siyang sentrong adhikaing nakapaloob sa mga priority program ng kanyang administrasyon.
"Sa pamamagitan ng pagtutulungan, naipapakita natin ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit para sa kinabukasan ng ating bayan," wika ni Mayor Ronald F. Apostol.
Dagdag pa niya, "Hinihikayat ko ang lahat na makilahok at magbigay ng suporta sa anumang paraan ... Ang bawat ambag, gaano man kaliit, ay may malaking tulong sa paghahanda ng ating mga paaralan at sa paghuhubog ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga mag-aaral."
Aktibo ring nakiisa sa kick-off ang buong pamunuan ng LGU Cabangan sa pangunguna ni Mayor Ronald F. Apostol, Vice-Mayor Leo F. Bringas, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina SB Vivian E. Alferos, SB Leo B. Calderon, SB Joseph D. Ablola, SB Morie C. Victor, SB Pablo A. Dimain (IPMR), at SB Jessica A. Pallasigue, gayundin ang mga Department Heads ng LGU Cabangan.
Ang kanilang buong-pusong pagdalo ay patunay ng patuloy na pagtataguyod ng lokal na pamahalaan upang magsilbing katuwang ng bawat pamilyang Cabanganeans sa pag-abot ng mga pangarap ng kabataan.
Upang pangunahan at saksihan ang opisyal na pagsisimula ng programa, dumalo rin sa aktibidad sina School Division Superintendent Mr. William Roderick R. Fallorin, Asst. SDS Mr. Alberto M. Otchengco, Chief SGOD Mr. Ronald Ryan Sison, CID Mr. Charlie Carreon, Public Schools District Supervisor Dr. Melinda Punzalan, School Division Personnel, at CNHS Principal Madam Carol Fontillas.
Sa tulong ng DepEd at ng mga lokal na stakeholders, ang taunang Brigada Eskwela sa taong ito ay hindi lamang nananatiling tradisyon ng paglilinis, kundi isang mas malalim na simbolo ng pagkakaisa para sa edukasyon ng buong distrito.
Maraming salamat at mabuhay ang Brigada Eskwela 2026!
AKO, IKAW, TAYO ANG KAILANGAN NG CABANGAN!