05/09/2026
[๐๐๐๐๐๐๐] ๐๐ง๐๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ง ๐๐ ๐๐ข๐ง๐ฌ๐ญ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ ๐๐๐๐จ๐ซ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ ๐๐ซ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐-๐๐ฎ๐๐ฏ๐ ๐๐๐ข๐ฃ๐ - September 3, 2026
Matagumpay na isinagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) Nueva Ecija ang Information and Service Caravan Against Child Labor and Project Angel Tree sa SM MegaCenter, Cabanatuan City, Nueva Ecija, na may temang โCLPEP BATA ANG BIDA 2026: Sama-samang Aksyon Kontra Child Labor.โ
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan ng mga pamilya at komunidad hinggil sa masamang epekto ng child labor, gayundin ang pagsusulong ng mga programa at serbisyong makatutulong sa mga batang nasa vulnerable na kalagayan. Bahagi rin ng programa ang Project Angel Tree, isang inisyatiba na naglalayong magbigay ng suporta at tulong sa mga child laborers at kanilang mga pamilya.
Nakibahagi sa naturang aktibidad ang Provincial DOH Office โ Nueva Ecija, na naghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga dumalo. Kabilang dito ang libreng medical consultation at pamamahagi ng mga libreng gamot, bilang bahagi ng patuloy na pakikiisa ng Provincial DOH Office sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng mga bata at kanilang pamilya.
Ang aktibidad ay nagsilbing mahalagang plataporma upang mapag-ugnay ang iba't ibang ahensya at katuwang sa komunidad sa pagsusulong ng proteksyon sa mga bata. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang commitment na wakasan ang child labor at tiyaking ang bawat bata ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral, lumaki nang ligtas, malusog, at may dignidad.
Sa diwa ng โBATA ANG BIDA,โ patuloy na hinihikayat ang lahat na maging bahagi ng sama-samang aksyon laban sa child labor at suportahan ang mga programang nagbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa bawat batang Pilipino.