09/09/2026
๐ฐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๏ธ ๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
HAPPENING NOW: Isinasagawa ngayong araw sa Lazaro Francisco Integrated School ang Boy Scouts of the Philippines (BSP) Investiture and Day Camp, isang makabuluhang gawain na naglalayong hubugin ang mga mag-aaral sa disiplina, pamumuno, pakikipagtulungan, at pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga ng isang tunay na Scout.
Tampok sa programa ang Investiture Ceremony, kung saan pormal na tinatanggap at muling ipinapaalala sa mga Scouts ang kanilang panunumpa at pananagutan bilang kabahagi ng scouting movement.
Samantala, tampok din sa programa ang re-dedication ng mga Scouts, na pangungunahan ni Scout Commissioner Lilibeth Guevarra bilang panauhing pandangal.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinagtitibay ng LFIS ang pagpapahalaga sa paghubog ng mga mag-aaral na may disiplina, responsibilidad, tapang, at malasakit sa kapwa at pamayanan.
โบ Mula sa LFIS, patuloy nating hinuhubog ang kabataang handa, matatag, at handang maglingkod!
Laging Handa! โ๏ธ