04/09/2026
βπ»πβ€οΈππ
πππ ππππππππππππ ππππππππ ππ πππππ πππππ, πππππππππ ππ ππππππππ ππππππππ ππ πππππππππ
Juaneth Bondad
Magkakaloob ang Provincial Government of Nueva Ecija, sa pangunguna nina Governor Aurelio βOyieβ M. Umali at Vice Governor Gil Raymond M. Umali, ng Starlink internet para sa 120 DepEd school sites sa lalawigan.
Isinagawa ang ceremonial turnover kahapon, Setyembre 2, 2026, sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City, kung saan personal na iniabot ni Governor Oyie kay Schools Division Superintendent Ericson Sabacan ang Starlink Kit o satellite internet hardware package na bahagi ng Free WiFi Program ng Kapitolyo.
Layunin ng programa na palakasin ang internet connectivity sa mga pampublikong paaralan, lalo na sa mga lugar na limitado o mahina ang signal.
Sa pagkakaroon ng Starlink internet, mas maraming g**o at mag-aaral, lalo na sa malalayong lugar, ang magkakaroon ng access sa internet. Makakatulong ito upang mas madali nilang magamit ang digital learning resources, online information, pananaliksik, at iba pang makabagong paraan ng pagtuturo at pagkatuto.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na suportahan ang digitalisasyon ng edukasyon at mabigyan ang mga kabataang Novo Ecijano ng mas mabilis at maaasahang koneksyon para sa kanilang pag-aaral.