01/10/2024
Kahalagahan ng School-Based Immunization Program ng para sa mga mag-aaral ng Grade 1, Grade 4, at Grade 7.
Layunin ng programang ito na tiyaking ang ating mga anak ay protektado laban sa mga nakakahawang sakit sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Ano ang mga Bakunang Ibibigay?
MR-Td Vaccine (Measles-Rubella at Tetanus-Diphtheria):
Ang bakunang ito ay ibibigay sa mga estudyante ng Grade 1 at Grade 7. Ito ay may dalawang pangunahing sangkap:
Measles-Rubella (MR): Proteksyon laban sa tigdas (measles) at rubella (German measles). Ang tigdas ay isang seryosong sakit na maaaring magdulot ng komplikasyon tulad ng pulmonya, pagkabingi, at pamamaga ng utak. Samantala, ang Rubella ay isang viral infection na maaaring magdulot ng birth defects kapag nahawa ang buntis na babae.
Tetanus-Diphtheria (Td): Ang tetano ay maaaring magdulot ng lock jaw, matinding paninigas ng kalamnan, mataas na lagnat at hirap sa pag hinga, habang ang dipterya naman ay maaaring magdulot ng pagkabara ng daanan ng hangin at iba pang komplikasyon. Ang dalawang sakit na ito ay maaaring magdulot ng kamatayan kung hindi maagapan.
HPV Vaccine (Human Papillomavirus):
Ang HPV vaccine ay ibibigay sa mga Grade 4 na babaeng estudyante na may edad 9-14 taon. Ang HPV ay isang virus na karaniwang sanhi ng cervical cancer sa mga kababaihan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng HPV vaccine sa maagang edad, nagkakaroon ng mataas na proteksyon laban sa mga uri ng HPV na maaaring magdulot ng cancer. Ang bakuna ay lubos na epektibo kung ibibigay bago magsimulang maging sexually active ang isang babae, kayaβt target nito ang mga batang nasa edad 9-14.
Kasaysayan ng HPV Vaccine
(Gardasil)
Ang Gardasil ay isa sa mga pinakakilalang brand ng bakunang HPV na unang inaprubahan ng FDA (Food and Drug Administration) noong 2006. Ito ay ginawa upang magbigay proteksyon laban sa apat na uri ng HPV (types 6, 11, 16, at 18). Dalawa sa mga uri nito (HPV 16 at 18) ang pangunahing sanhi ng cervical cancer, habang ang iba naman (HPV 6 at 11) ay nagdudulot ng ge***al warts.
2006: Inilabas ang Gardasil bilang unang bakunang HPV. Ito ay idinisenyo upang magbigay ng proteksyon sa mga kabataang babae at lalaki laban sa HPV, na sanhi ng cervical cancer, ge***al warts, at iba pang mga uri ng cancer tulad ng a**l at oropharyngeal cancer.
impormasyon Ukol Sa Bakuna
Iwas malubhang sakit at kamatayan: Ang Measles, Rubella, Diptheria , Tetano at Human Papilloma Virus ay delikado, maaring mag dulot ng kanser at nakamamatay. kaya kailangan mabakunahan ang mga bata laban sa mga ito.
Ligtas at epektibo ang bakuna: Ang mga bakunang ibibigas sa inyong mga anak ay ligtas at epekto. Dumaan ang mga ito sa masusing pag-aaral ng mga eksperto.
Libre sa Bakuna Eskwela: Ang mga bakunang ito ay libre at makukuha sa mga pambublikong paaralan.
Ang School-Based Immunization Program ay isang napakahalagang hakbang upang protektahan ang kalusugan ng ating mga anak. Hinihikayat po namin ang lahat ng mga magulang na payagan ang inyong mga anak na mabakunahan para sa kanilang proteksyon at kaligtasan. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!