02/03/2026
Pride ng 29th Infantry Battalion sa Cabadbaran City, Agusan del Norte si Medal of Valor awardee, MSg Roy Cuenca. Anim lang sila sa detachment sa Tandag, Surigao del Sur nung atakehin sila ng 120 na NPA in 1992. Garand lang baril ng 5 na CAFGU ni Master Cuenca, iilang clip lang ang bala. Mag isang regular soldier, M14 baril ni Master Cuenca with more or less 800 rounds. Unang putok ng kalaban, alas tres kinse ng madaling araw. Sobrang lakas ng volume of fire ng kalaban dahil dalawa M60 nila. Mahirap din sitwasyon kasi nasa tabig dagat na may likod na palayan ang detachment nina Master Cuenca. Unang oras tinamaan ng shrapnel ang puwit ni Master. Minabuti niyang di sabihin sa limang kasama niya na wounded siya. Gapang siya from position ng limang kasama niya pang high morale. Pangalawang oras, patay ang isang CAFGU niya. Lima na lang sila. Sige ang dalawang babaeng NPA sigaw sa megaphone pa surrenderin si Master Cuenca. Pangatlong oras ng labanan, paubos na bala ng mga CAFGU niya. Takot na takot na rin ang isa. Pero sa dalawa sa CAFGU, talagang kursunada jud lumaban. Pang apat na oras, desperado na sitwasyon. Maliwanag na at halos 7AM na. Walang reinforcement. Napalibutan pa rin sila Master Cuenca. Hinugot na niya isang granada at ibinigay sa CAFGU na umiiyak na, sabay sabi niya: “Hindi tayo susurrender.” Tumingin na sa Langit si Master Cuenca, sabay dasal ng Salmo 91, at sinabi niya ang paborito niyang kataga: “Diyos ko, takpan mo ako.” Pinakinggan siya ni Lord. Pag alas siyete, after almost 4 hours ng intense na atake ng NPA, umatras sila. Naiwan ng mga NPA: 12 na patay na kasama nila, 12 na fi****ms nila. Isa din ang na capture nina Master Cuenca at pinagamot pa sa V Luna. Pagkatapos ng lahat lahat, saka lang sinabi ni Master Cuenca sa mga kasama niya na unang oras pa lang, tiniis na niya tama niya para di sila ma low morale. Nagpasalamat si Master Cuenca sa Panginoon at sa mabait niyang asawa. Abangan ang natatanging war story ni Medal of Valor awardee, Msg Roy Cuenca, sa Youtube channel ko: Colonel Dennis Eclarin. Ito ang link to subscribe: https://youtube.com/?si=sGHLuf4du0tVIFBm. (Si Master Cuenca ang pangalawang na regaluhan ko ng exclusive War Story shirt para sa retirees na mag share ng kanilang war story.)