City DOH Office-Butuan

City DOH Office-Butuan This is the Official page of City DOH Office-Butuan

Saanman ang biyahe ngayong Holy Week, huwag kalimutang maghanda!Ihanda ang inyong travel bag essentials upang manatiling...
01/04/2026

Saanman ang biyahe ngayong Holy Week, huwag kalimutang maghanda!

Ihanda ang inyong travel bag essentials upang manatiling ligtas at malusog habang nagbibiyahe:

✅ Tubig
✅ Meryenda
✅ Bimpo o panyo
✅ Payong o sombrero
✅ Maintenance medicines
✅ Face mask at alcohol
✅ Pamalit na damit
✅ Pamaypay

Ang tamang paghahanda ay makakatulong upang maging mas ligtas, komportable, at malusog ang inyong biyahe.

Mag-ingat at magkaroon ng mapayapa at ligtas na Semana Santa!



Paalala mula sa DOH ngayong Semana SantaPara sa mga lalahok sa anumang uri ng penitensya, mahalagang unahin ang kalusuga...
01/04/2026

Paalala mula sa DOH ngayong Semana Santa

Para sa mga lalahok sa anumang uri ng penitensya, mahalagang unahin ang kalusugan at kaligtasan.

✔ Siguraduhing bakunado laban sa anti-tetano
✔ Linisin at i-sterilize ang mga kagamitang gagamitin
✔ Piliin ang ligtas na paraan ng pagninilay at penitensya
✔ Suriin ang sariling kalusugan bago magsagawa ng fasting o penitensya

Ang tunay na diwa ng Semana Santa ay pananampalataya, pagninilay, at kabutihan sa kapwa—gawin natin itong ligtas at malusog para sa lahat.



🌿 Paalala mula sa DOH para sa isang ligtas at malusog na Semana SantaSa paggunita ng Semana Santa, hinihikayat ng Depart...
01/04/2026

🌿 Paalala mula sa DOH para sa isang ligtas at malusog na Semana Santa

Sa paggunita ng Semana Santa, hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang lahat na alagaan ang ating kalusugan habang ginugunita ang mahalagang panahong ito ng pananampalataya at pagninilay.

✔ Kumain ng sapat at masustansyang pagkain
✔ Maglaan ng makabuluhan at ligtas na family bonding
✔ Iwasan ang penitensyang maaaring magdulot ng tetano at impeksyon
✔ Manatili sa bahay kung walang mahalagang gagawin sa labas

Ngayong panahon din ng matinding init, tandaan na:
✔Uminom ng maraming tubig
✔Limitahan ang oras sa ilalim ng araw
✔Magsuot ng magaan na damit at sumbrero kapag nasa labas
✔Iiskedyul ang mabibigat na gawain sa mas malamig na oras ng araw

Mag-ingat, magdasal, at manatiling malusog ngayong Holy Week.




The City Department of Health Office (CDOHO) – Butuan City successfully conducted its Monthly Meeting on March 12 and 17...
01/04/2026

The City Department of Health Office (CDOHO) – Butuan City successfully conducted its Monthly Meeting on March 12 and 17, 2026 at Casa Luciana, Butuan City, bringing together Development Management Officers, Administrative Assistants, Human Resources for Health (HRHs), and other key personnel to strengthen coordination and improve the delivery of health services across the city.

The activity was led by Ms. Emmi Marie J. Cabahug, RN, MMPSM, Development Management Officer IV, who emphasized the importance of alignment, accountability, and collaboration among health personnel in ensuring the effective implementation of programs and services for the community.

The two-day meeting served as an important platform to review program updates, align performance targets, and enhance collaboration among health personnel. Key discussions included updates on FHSIS indicators, identification of data quality concerns, and the review and validation of the Revised Individual Performance Commitment and Review (IPCR) targets for 2026.
Participants also engaged in meaningful discussions on program implementation strategies, including home visit targets, maternal and child health services, immunization, TB, and other priority health programs. Emphasis was placed on proper documentation, accurate reporting, and population-based targeting to ensure improved monitoring and accountability.

The meeting also encouraged open dialogue and feedback among participants, fostering a collaborative environment where concerns, challenges, and solutions were collectively addressed.

Overall, the activity reinforced the commitment of CDOHO-Butuan personnel to strengthen health program implementation, improve data quality, and deliver responsive and effective health services to the community.




Ngayong buwan ng Rabies Awareness, hinihikayat ng Department of Health ang lahat na maging responsableng pet owner upang...
11/03/2026

Ngayong buwan ng Rabies Awareness, hinihikayat ng Department of Health ang lahat na maging responsableng pet owner upang maprotektahan ang sarili, pamilya, at komunidad laban sa rabies.

Ang rabies ay nakamamatay ngunit kayang maiwasan sa pamamagitan ng tamang bakuna at responsableng pag-aalaga ng alagang hayop.

🐶🐱 Tandaan:
Maging Responsible Pet Owner para Stay Pawtected ang Lahat!





09/03/2026
09/03/2026

🌊Marso: Drowning Prevention Month

Ngayong buwan ng Marso, ating ginugunita ang Drowning Prevention Month upang paalalahanan ang bawat Pilipino na maging ligtas sa mga aktibidad sa tubig. Layunin ng kampanyang ito na palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa mga panganib ng pagkalunod at kung paano ito maiiwasan.

Ang pagkalunod ay isa sa mga pangunahing sanhi ng aksidenteng pagkamatay, lalo na sa mga bata.
Ngunit tandaan: ang pagkalunod ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng tamang kaalaman at pag-iingat.

✔️ Mga Paalala sa Pag-iwas sa Pagkalunod:
👀 Bantay Bata– Laging bantayan ang mga bata kapag nasa swimming pool, ilog, o dagat.
🦺 Bida Salbabida lalo na kung hindi marunong lumangoy.
🚫 Bawal ang Alak
🚧 Maglagay ng Harang o Safety Barriers sa mga lugar na may tubig kung kinakailangan.
👀 Bystander Intervention

Sa sama-samang pagkilos ng pamilya, komunidad, at pamahalaan, maiiwasan natin ang mga trahedyang dulot ng pagkalunod.

Maging Water Smart. Mag-ingat sa Tubig. Ang buhay ay pahalagahan.


09/03/2026

📣 Philippine Digestive Health Week
Ikalawang Linggo ng Marso

Ang digestive system ay may mahalagang papel sa ating katawan—dito nagaganap ang pagproseso ng pagkain upang maging enerhiya at sustansya na kailangan ng ating katawan. Gayunpaman, ang ilang sakit tulad ng liver cancer, colorectal cancer, peptic ulcer disease, diarrhea, at stomach cancer ay kabilang sa mga sakit na may kaugnayan sa digestive tract na nagdudulot ng pagkakasakit at pagkamatay sa bansa.

Sa pagdiriwang ng linggong ito, hinihikayat ang bawat Pilipino na alagaan ang kalusugan ng kanilang tiyan at bituka upang maiwasan ang mga sakit at mapanatili ang malusog na pangangatawan.

💚 Healthy Gut, Healthy Life!

09/03/2026

📣 Marso: Colorectal Cancer Awareness Month

Ang buwan ng Marso ay ginugunita bilang Colorectal Cancer Awareness Month upang palakasin ang kaalaman ng publiko tungkol sa pag-iwas, maagang pagtuklas, at tamang paggamot sa colorectal cancer.

Ang colorectal cancer ay uri ng kanser na nabubuo sa colon o re**um at kadalasang nagsisimula bilang maliit na polyp na maaaring maging cancer sa paglipas ng panahon.
Sa Pilipinas, ito ay kabilang sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay dahil sa cancer at mas karaniwang nakikita sa mga taong edad 50 pataas.

⚠️ Mga posibleng sintomas:
• Pagbabago sa pagdumi (diarrhea o constipation)
• Dugo sa dumi
• Pananakit ng tiyan
• Biglaang pagbaba ng timbang
• Panghihina o anemia

✅ Paano makaiwas?
• Kumain ng masustansya at mayaman sa fiber
• Mag-ehersisyo at panatilihin ang tamang timbang
• Iwasan ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak
• Magpatingin sa doktor at magpasuri kung kinakailangan, lalo na kung edad 50 pataas

Tandaan: Ang maagang pagtuklas ng colorectal cancer ay makakatulong upang mas madaling magamot at makaligtas ang buhay.


09/03/2026

DOH Caraga implemented a temporary Four-Day Workweek Schedule starting March 9, 2026, following the Compressed Four-Day Workweek Arrangement under Memorandum Circular No. 114, s. 2026, issued by the Office of the President.

Personnel deployed under the National Health Workforce Support System (NHWSS) shall observe the work arrangement policy of the Local Government Unit (LGU) or Agency where they are assigned. However, those assigned in the barangays shall continue to render eight ( 8 ) hours of work per day from Monday to Friday.

All offices are likewise directed to strictly observe energy conservation measures, including the prudent use of electricity and office equipment, in support of the national government's efforts to promote efficient energy utilization.

Ang viral hepatitis ay isang impeksyon sa atay na dulot ng iba't ibang uri ng hepatitis virus (A, B, C, D at E). Ito ay ...
27/02/2026

Ang viral hepatitis ay isang impeksyon sa atay na dulot ng iba't ibang uri ng hepatitis virus (A, B, C, D at E). Ito ay maaaring magdulot ng pamamaga ng atay, malubhang pinsala, at maging sanhi ng liver cirrhosis at liver cancer kung hindi maagapan.

Alagaan ang sarili at pamilya. Iwasan ang sakit bago pa man ito lumala. Ang maagang pag-saklolo, bakuna, at tamang impormasyon ay susi sa malusog na bukas.

Address

Brgy. Doongan
Butuan City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City DOH Office-Butuan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share