31/08/2026
Nakikiisa ang Land Registration Authority (LRA) sa buong sambayanang Pilipino sa paggunita sa Araw ng mga Bayani o National Heroes Day ngayong araw, 31 Agosto 2026.
Sa araw na ito, ating ginugunita at pinararangalan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, talino, at paninindigan para sa kalayaan, dignidad, at kinabukasan ng ating bayan. Ang kanilang mga sakripisyo at ambag sa ating kasaysayan ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat Pilipino na patuloy na maglingkod at gumawa ng kabutihan para sa ating kapwa at bansa.
Kasabay nito, ating binibigyang-pugay ang mga makabagong bayani, ang mga Pilipinong tapat na nagtatrabaho, naglilingkod, at nagsisikap araw-araw upang maiangat ang kanilang pamilya, makatulong sa kanilang komunidad, at maging bahagi ng patuloy na pag-unlad ng ating bansa.
Nawa'y manatiling buhay sa ating mga puso ang diwa ng kabayanihan, pagmamahal sa bayan, malasakit sa kapwa, at tapat na paglilingkod. Sa ating mga munting ambag at sama-samang pagkilos, naipagpapatuloy natin ang mabuting halimbawa at marangal na adhikain ng ating mga bayani.
Maligayang Araw ng mga Bayani po sa ating lahat! π΅π