27/08/2026
๐๐๐-๐๐ ๐๐ ๐๐
๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Bilang bahagi ng Public Safety Youth Ambassador Workshop and Awareness Program, nagsagawa ang Butuan City Jail โ Male Dormitory, katuwang ang Bureau of Fire Protection Libertad Sub-Station, ng isang awareness activity para sa mga Grade 12 students ng Lumbocan National High School.
Tampok sa programa ang BJMP Awareness, kung saan ibinahagi sa mga mag-aaral ang mandato, tungkulin, mga programa, at serbisyo ng Bureau of Jail Management and Penology. Binigyang-diin din ang papel ng BJMP sa custodial management, rehabilitation, values formation, at paghahanda sa mga PDL para sa kanilang positibong pagbabalik sa pamilya at komunidad.
Kasabay nito, isinagawa ang Fire Safety Awareness sa pangunguna ng BFP Libertad Sub-Station, na naglalayong dagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa fire prevention, emergency preparedness, at wastong pagtugon sa insidente ng sunog.
Sa pamamagitan ng interactive discussions at pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon, hinikayat ang mga kabataan na maging mapanagutan, disiplinado, alerto, at aktibong katuwang sa pagpapanatili ng kaligtasan sa paaralan, tahanan, at komunidad.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng patuloy na pakikipagtulungan ng BCJ-MD, BFP, at mga institusyong pang-edukasyon sa paghubog ng kabataang may sapat na kaalaman, tamang pagpapasya, at malasakit sa kapwaโmga katangiang mahalaga sa pagbuo ng isang ligtas, mapayapa, at responsableng komunidad.
๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐๐๐ญ๐๐๐ง. ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ค๐จ๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ๐๐ง. ๐
BJMP Caraga Region Page
========
For more updates, please don't forget to FOLLOW and LIKE this PAGE. Thanks!
Facebook: (BJMP Butuan City Jail Male Dormitory) https://www.facebook.com/share/1ARidUAZSA/?mibextid=wwXIfr
TikTok: (butuancj_md Butuan City Jail Male Dorm) https://www.tiktok.com/
Gmail: [email protected]
BJMP Caraga Website: https://caraga.bjmp.gov.ph