30/05/2026
Noong Mayo 29, 2026, matagumpay na ginanap ang huling araw ng National ID Registration para sa cluster barangays ng Concepcion, Sagrada, at Sto. NiΓ±o. Kasabay rin nito ang serbisyo ng Local Civil Registrar para sa delayed registration ng birth certificate, na nagbigay ng pagkakataon sa mga residente na maayos ang kanilang mahahalagang dokumento.
Patuloy nating samantalahin ang mga serbisyong inilalapit ng pamahalaan sa mga mamamayan ng Busuanga. Ang mga programang tulad nito ay malaking tulong upang mas maging madali at abot-kamay ang mga pangunahing serbisyo para sa ating komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nakilahok upang maging matagumpay ang gawaing ito.