18/06/2026
๐๐จ๐๐, ๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ, ๐ฎ๐ ๐๐ข๐๐!๐จ๐ฆบ๐โโ๏ธโ๏ธ๐
Nakiisa ang mga opisyal at kawani ng Busuanga Municipal Health Office (MHO) sa isinagawang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng kahandaan sa harap ng mga sakuna.
Sa pangunguna ng Civil Defense PH, layunin ng NSED na masukat at mapalakas ang kahandaan ng mga pampubliko at pribadong sektor sa pagtugon sa lindol at iba pang sitwasyong pang-emergency.
Sa pamamagitan ng regular na pagsasagawa ng mga earthquake drill, higit na napauunlad ang kaalaman, koordinasyon, at kakayahan ng bawat isa sa pagtugon sa mga sakuna. Ang aktibong pakikilahok sa mga ganitong pagsasanay ay mahalagang hakbang sa pagpapatibay ng kultura ng kahandaan at pagbuo ng mas ligtas, mas matatag, at mas handang bansa.
๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ. ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐๐ผ. ๐๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฟ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ฎ.