Iskul Juan

Iskul Juan Ito ang opisyal na page ni Mayor Francis Albert "iSkul" Juan, ng Bayan ng Bustos.

Bilang maagang pagdiriwang ng Mother's Day, nagsagawa ng boodle fight para sa One Tribe Kababaihan bilang simpleng pasas...
08/05/2026

Bilang maagang pagdiriwang ng Mother's Day, nagsagawa ng boodle fight para sa One Tribe Kababaihan bilang simpleng pasasalamat at pagpupugay sa mga ilaw ng tahanan na patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa kanilang pamilya at komunidad.

Kasabay nito, isinagawa rin ang payout para sa ating mga Solo Parent bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay suporta at pagkilala sa kanilang sakripisyo, katatagan, at pagmamahal sa kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng Pamahalaang Bayan na makatulong sa kanilang pang araw araw na pangangailangan at maipadama na sila ay mahalagang bahagi ng komunidad.

Patuloy nating pinagtitibay ang mga programang may malasakit upang mas mapangalagaan ang kapakanan at dignidad ng bawat pamilyang Bustosenyo.

08/05/2026
Isinagawa ang pamamahagi ng Social Pension para sa ating mga nakatatandang Bustosenyo sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan...
06/05/2026

Isinagawa ang pamamahagi ng Social Pension para sa ating mga nakatatandang Bustosenyo sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan, katuwang ang MSWDO Bustos at ang Bustos Federation of Senior Citizens Association, Inc.

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagkilala at pagpapahalaga sa naging ambag ng ating mga senior citizen sa paghubog ng ating bayan. Sa pamamagitan ng tulong pinansyal na ito, nabibigyan sila ng karagdagang suporta para sa kanilang pang araw araw na pangangailangan.

Patuloy ang ating layunin na matiyak na ang bawat nakatatandang Bustosenyo ay naaalagaan, nirerespeto, at napahahalagahan sa isang pamayanang may malasakit at pagkakaisa.

Sa pagsisimula ng bagong linggo, muling nagtipon ang Pamahalaang Bayan para sa First Monday Mass at Flag Raising Ceremon...
04/05/2026

Sa pagsisimula ng bagong linggo, muling nagtipon ang Pamahalaang Bayan para sa First Monday Mass at Flag Raising Ceremony bilang tanda ng pananampalataya, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod.

Sa bawat awit ng pambansang awit at sa bawat panalangin, pinagtitibay ang ating pangako na maglingkod nang may integridad at malasakit para sa bawat mamamayan.

Isang makabuluhang umaga na nagbubukas ng panibagong linggo ng serbisyo para sa bayan.

04/05/2026

1st Monday!🩵

Maligayang Kaarawan, Hon. Daniel Fernando!Isang taos-pusong pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng Bustos sa inyong natata...
02/05/2026

Maligayang Kaarawan, Hon. Daniel Fernando!

Isang taos-pusong pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng Bustos sa inyong natatanging araw. Kinikilala po namin ang inyong mahusay at tapat na paglilingkod bilang Punong Lalawigan ng Bulacan, na patuloy na nagsusulong ng mga programang nagbibigay pag-unlad, inspirasyon, at maayos na serbisyo para sa bawat Bulakenyo.

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang inyong adhikain at dedikasyon sa paglilingkod para sa lalawigan ng Bulacan at sa sambayanang inyong pinamumunuan.

Ngayong ika-1 ng Mayo, kinikilala at pinapahalagahan ng Pamahalaang Bayan ng Bustos ang sipag, dedikasyon, at sakripisyo...
01/05/2026

Ngayong ika-1 ng Mayo, kinikilala at pinapahalagahan ng Pamahalaang Bayan ng Bustos ang sipag, dedikasyon, at sakripisyo ng bawat manggagawang Pilipino na patuloy na nagsisilbing haligi ng ating lipunan.

Sa bawat pawis na inilaan at sa bawat trabahong ginampanan, kayo ang tunay na lakas na nagpapatakbo ng ating bayan tungo sa pag-unlad.

Isang mapagpalayang Araw ng Manggagawa sa lahat.
Mabuhay ang manggagawang Bustosenyo. Mabuhay ang Pilipinas.

Matagumpay na isinagawa ang Harvest Festival on Sustained Big Rice Farm Project sa Brgy. Cambaog, Bustos, Bulacan bilang...
30/04/2026

Matagumpay na isinagawa ang Harvest Festival on Sustained Big Rice Farm Project sa Brgy. Cambaog, Bustos, Bulacan bilang pagdiriwang sa bunga ng sama-samang pagsisikap ng ating mga magsasaka, katuwang ang Provincial Agriculture Office at Pamahalaang Bayan ng Bustos.

Ang makabuluhang gawaing ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, modernisasyon, at patuloy na suporta sa sektor ng agrikultura, mas lalo nating napapalakas ang produksyon at kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Pagpupugay sa ating mga magsasakang Bustosenyo na patuloy na nagsisilbing haligi ng kaunlaran at seguridad sa pagkain ng ating bayan.

Patuloy ang pagtatanim ng pag-asa para sa mas masaganang Bustos.

Isang makabuluhang yugto ang muling naitala sa pagtatapos ng mga napagbilang sa Juan Iskul Academy, na may temang “Moldi...
28/04/2026

Isang makabuluhang yugto ang muling naitala sa pagtatapos ng mga napagbilang sa Juan Iskul Academy, na may temang “Molding Minds, Shaping Futures.”

Sa araw na ito, ipinagdiriwang hindi lamang ang pagtatapos, kundi ang bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon ng bawat nagsipagtapos na hinubog sa larangan ng Career Planning, Financial Literacy, at Well-being. Patunay ito na ang edukasyon ay hindi lamang paghahanda para sa trabaho, kundi paghahanda para sa mas matatag at makabuluhang kinabukasan.

Mula sa Pamahalaang Bayan ng Bustos, taos-pusong pagbati sa mga nagsipagtapos. Nawa’y maging gabay ninyo ang mga aral na inyong natutunan sa pag-abot ng inyong mga pangarap.

Address

Bustos
3007

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Iskul Juan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share