13/05/2026
Paalala sa lahat ng kababaihang nakakaranas ng pananakit mula sa kanilang asawa o kinakasama:
Kung wala pa kayong plano magsampa ng demanda, mas mabuti pa ring magpatala o magpa-blotter upang magkaroon ng opisyal na rekord.
Malaking tulong ito bilang ebidensya sakaling kailanganin ninyo sa hinaharap.
Kuhanan ng litrato ang mga pasa o sugat, magpa-medikal, at itago ang lahat ng dokumento at ebidensya.
Huwag ninyong balewalain ang pananakit—mahalaga ang inyong kaligtasan at karapatan.
Hindi dapat ikahiya ang pagsasalita.
Ang pananakit ay hindi pagmamahal.
At ang pananahimik ay hindi laging solusyon.
Mas mahalagang maprotektahan ninyo ang sarili ninyo at ang inyong mga anak. 🖤
Isang Munting Paalala
bilang Vawc/Bonga Menor